Chapter 17: Dejavu

33 3 1
                                    

Ito na yung araw na pagmumukhain kong tanga yung sarili ko. Yeah, I still said a yes to Aaron after knowing kung anong gagawin namin for the whole day. Wala eh, kahit sa gan'tong paraan, gusto ko siyang makasama. Kahit ngayon lang.

"Saan gora mo, bebs? Bihis na bihis ka ah." Ngumiti lang ako at umiling. Ayokong sabihin sakanya dahil alam kong hindi siya matutuwa.

"Alis na'ko." Inirapan lang niya ako at walang ganang tumango. Binato ko siya ng unan bago lumabas ng kwarto kaya narinig ko pa siyang tumili.

I'm still here at Starbucks dahil dito ang usapan namin. Binuksan ko agad yung phone ko ng magvibrate.

[From: Aaron babeby <3
Wait mo'ko ah. 10 minutes lang. Traffic eh. Sorry.]

Nagkibit balikat lang ako at ngumuso. Handa naman akong hintayin siya kaso nakakabored. Pangalawang order ko na ng frappe at nauumay na talaga ako.

I look myself at the reflection of my phone. Shet, ang ganda ko talaga! Nakakainis. Omg.

I'm wearing a simple crop top na blue and white stripes, maikling short na black, tapos may pranel checkered na nakapalupot sa bewang ko. I'm just having my simple ponytail but TADAAAH! Look how gorgeous am I-

"Hey!" AY GORGEOUS NA MAGANDA!

Pinigilan ko naman ang sarili ko na mapairap. Istorbo naman.

Tumingala ako para makita kung sino yung nang-istorbo sakin.

"Ginagawa mo dito?" Napalunok naman ako ng si Tristan yung makita ko sa harap ko.

"Uh.." Shit. Dapat ko bang sabihin na hinihintay ko si Aaron? Ugh!

"Eh... ano kasi, hinihintay ko si uhmm.. Aaron." Hininaan ko lang yung boses ko para hindi niya marinig.

"Ah. May date kayong dalawa?" Tumango lang ako. Ang cold ng boses niya. Ano bang nangyayari kay Tristan?

"Eh, i-ikaw?" Iniwasan niya lang ako ng tingin at nagkibit balikat.

"Hinihintay ko si Venice. May date kami eh." Hindi ko alam kung tama ba yung pagkakarinig ko pero parang kumirot ata yung puso ko. Namali lang naman ako ng rinig diba?

"V-venice? D-date?" Tumango lang siya at sumilip sa phone niya.

"Yeah. Sige, alis na ako Miracle. Hinihintay na pala ako nung ka-date ko sa sinehan. Bye, enjoy!" Pagkaalis na pagkaalis niya, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko.

May ka-date siya? Eh ano naman? Ka-date ko din naman ngayon si Aaron eh. Pero bakit ganito, bakit parang hindi okay? Bakit parang ayoko?

He called me Miracle. Hindi na niya ako tinatawag na Jade. Naiinis ako. Sobrang naiinis ako. Bakit? Shit, bakit ka ba gan'yan Tristan, ha? Ugh! Bwiset.

"Tulala ka." Nabaling naman ang tingin ko kay Aaron na kakarating lang.

Ngumiti lang ako at umupo naman siya sa tabi ko. He order a frappe samantalang ako nakatitig lang sa phone ko.

Itext ko kaya siya?

"Hmm, waiting for someone to text you, eh?" I saw a smirk on his face kaya natawa nalang ako.

"Nah. Don't mind me." Inikot ko yung paningin ko sa loob at labas sa pagbabaka-sakaling makita ko siya. Nasaan kaya siya?

"Uh, Miracle." Natauhan naman ako ng tawagin ako ni Aaron.

"Kanina ka pa nga tulala. May problema ba? Okay lang naman if hindi ka okay ngayon kasi kaya ko naman siguro 'to." Nanlaki ang mata ko.

"Hoy, hala! Ang drama naman ne'to. Okay nga lang. May naisip lang kasi ako. Sorry na!"

oplan: be mine again [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon