Chapter 14: Confused

28 2 0
                                    

Hilong hilo akong humiga sa kama ko. Kasi ba naman, ang alog nung sasakyang nasakyan ko. Grabe.

"Sino yung kasama mo kanina, bebs? Yung maputing babae?" Tinignan ko naman si Zia na kasalukuyang nagsusulat sa Manila paper niya.

"Ah, si Haide? Accounting din. Bakit, bebs?" Tumayo ako kahit hilong hilo ako para magbihis.

"Yun pala yun. Sikat yun, bebs eh. Gusto kong makipagkaibigan dun. Madaming nagkakagusto dun sa block namin." After ko magbihis, humarap ako kay Zia.

"Oh, talaga? Sige, pakilala kita dun. Sobrang bait nung babaeng yun eh." Ngumiti naman ako at pumuntang kusina.

"Si Kuya pala, nasaan?" Lumagok lang ako ng konting tubig bago umupo sa sofa. Para akong kinakabahan eh.

"Malay ko dun. Sabi niya bibili lang daw siya sa 7 eleven eh." Tumango lang ako bago nag-dive sa kama ko. Haaay, sa wakas!



Nagising ako sa sobrang lamig. It's already 7pm kaya napilitan na akong tumayo. Nagugutom na rin ako eh.

"Bebs? Kuya?" Hinanap ko yung dalawa sa loob ng bahay pero wala. Napangiwi naman ako ng may nakita ako sa ref na note.

Bebs, kasama ko sila Demi. Hindi ako makakauwi kasi overnight kami. :) Wag ka mag-alala, puro babae kami.

PS: Hinatid ako ni Kuya Reid. Pinapasabi niya din na uuwi daw muna siya saglit sainyo dahil may kukunin siya.

Ingat ka, bebs. Mwa :*
-Zia <3

Napanguso naman ako bigla. Meaning ako lang mag-isa ngayon? Hindi sa natatakot ako. I like creepy, mystery and horror nga eh. Nakakabored lang kasi.

I open the TV at kumuha ng magandang movie. Magmo-movie marathon nalang ako mag-isa. Yes!

Sa kalagitnaan ng panonood ko, nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto.

Nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba. Eh kasi, bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Uh, no! Hindi yan.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto at kinagat ang lowerlip ko.

"Sino yan?" Matapang na tanong ko.

Walang sumasagot at patuloy lang ang pagkatok. Aish, ang paranoid ko. Masiyadong safe 'tong apartment kaya imposibleng masamang tao 'to.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Totoo ba 'tong nakikita ko?














"T-Tristan?"

Nabigla ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Hindi ako makagalaw kaya hindi ko siya mayakap pabalik.

"I miss you so much." Naramdaman kong lumapat ang labi niya sa ulo ko.

Napapikit ako. We stay in that position for a minutes.

Kumalas siya sa yakap pero hinatak ko siya para yakapin. Narinig ko siyang natawa pero niyakap niya din ako ng mahigpit. Namiss ko siyang yakapin eh. Bakit ba!

"I missed you, Tristan." Mas humigpit ang yakap niya sakin.

"Mas namiss kita, Jade. Miss na miss na miss." Napangiti ako.

Para kaming mag-boyfriend/girlfriend pag tinignan mo. Wait, bakit ko ba 'to iniisip? Ugh!

Ako na mismo ang kumalas sa yakap at hinarap siya. Ganun pa din siya eh. Pero mas pumuti siya. Ganun ba talaga kalamig sa Cali at kahit ilang linggo ka lang nandun, puputi ka kaagad?

Napatitig ako sa mga mata niya. Yung mahaba niyang pilikmata. May pagka-brown pala ang mata niya. Ang sarap titigan.

Napatitig din ako sa ilong niya. Sobrang tangos. Perfect na perfect para sakanya. Pero mas na-attract ako sa mga labi niya. Napaka-pula, napaka-nipis. Parang ang lambot lambot.

Parang ang sarap halikan...

Oh my God! What the hell! Ano bang pinagsasabi ko? God!

"Namiss mo nga talaga ako, Jade." Naramdaman ko ang kamay niya na pinalupot sa bewang ko. Ngumiti naman ako at sinabit ang kamay ko sa leeg niya. Nakatitig lang kami sa isa't isa.

"I told yah, namiss nga kasi talaga kita." He bites his lowerlip. Shit! Bakit- BAKIT ANG HOT NIYA?

"Stop it, Jade. Ano kasi eh." Mas humigpit yung hawak niya sa bewang ko kaya hinigpitan ko din ang hawak ko sa leeg niya.

"Kasi naman." Natatawa ako habang nakatitig ako sakanya. Namumula siya eh.

"Kinikilig ako. Shit, ang bakla ko naman!" Hindi ko mapigilang mapangiti. Bakit, bakit parang kinikilig din ako?

Bwiset.

"Ako din." Mas namula yung pisngi niya kaya yumuko siya.

"Ang galing mo magpakilig, Jade. Nakakainis ka!" I bite my lowerlip kasi bwiset, kinikilig ako. Ugh.

"Talaga?" Tumango siya ng dahan dahan.

Halos tumalon yung puso ko sa ginawa niya.

Nilapat niya yung ilong niya sa ilong ko. Hindi ko maprocess yung dapat kong ireact, o dapat kong sabihin.

Halos manigas yung buo kong katawan sa posisyon namin ngayon. Para may bolta-boltaheng kuryente yung nasaksak sakin. Sobrang lamig ng nararamdaman ko.

Parang huminto yung oras na meron ngayon dahil wala akong ibang naiisip kundi yung posisyon namin ngayon.

Ano ba 'tong nangyayari sakin?



"I really missed you, Jade." He whispered between us. Bulong lang yun dahil magkalapit na magkalapit ang mukha namin.

Ngumiti lang ako.






Oh God! This can't be. Please.

-


Sobrang saya ko habang nag-aayos ng sarili ko. Ngayon lang ako masigla at excited na papasok. Kasabay ko na kasi si Tristan. Ang saya lang. Ba't ba?

"Bebs. Di ako makakasama sayo for the whole day ah? Kasama ko sila Demi eh. Dami kasing class project eh." Nginitian ko lang si Zia at nagthumbs-up.

"Okay lang, Zi. Kasama ko naman si Haide atsaka si Tristan eh." Nakita ko namang ngumisi si Zia kaya napakunot ang noo ko.

"Ang saya mo. Kasi nandito na si Tristan? Aminin mo nga, Miracle. Gusto mo pa bang ituloy yung Oplan mo para makuha si Aaron?" Sandali akong napatigil.

Bakit ganito? Bakit parang nagdo-doubt ako? No. I still want to have my Aaron, again. I'm just confused. Nah! No. Hindi.

"Ofcourse. I still want to get my Aaron. Mahal ko siya." Zia just shrug.

"You say so. Basta Mira, lagi mong tatandaan na, traydor and pag-ibig." Ngumiti siya sakin at tinapik ako sa balikat. "Mira, wag mong pigilan na mahulog sa iba."

After she said that, pumasok na siya ng CR para maligo.

Hindi.

Mahal ko si Aaron. At hinding hindi yun magbabago. Gusto kong maging akin ulit si Aaron. Tama, si Aaron yung dapat para sakin. Si Aaron lang.

I will continue the Oplan. I want him to be mine again. I'm just confused. You're just confused, Miracle. You're for Aaron only. Yes, you are.

-

oplan: be mine again [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon