Wala akong gana habang kumakain kami ngayon ni Aaron dito sa foodcourt.
"Mira, are you really okay? I can drive you home." For the nth time, binasag ni Aaron ang katahimikan.
Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain ko nung binili niyang pizza. Wow, first time ko atang mawalan ng gana sa pagkain ng pizza baby ko.
"Mira naman. Para namang sinabi mo sakin na hindi kita kilala. Look, I've know you for almost a years. We've been together for a years. Miracle, I know you. Please? Tell me. What's wrong?" Napayuko ako at pinilit kong pigilan ang luha ko.
Why?
Why am I crying?
Hindi ko din alam. Hindi ko alam kung bakit. Bakit ganito, bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon? HINDI KO ALAM.
"I don't know..." Pinilit kong wag tumulo ang luha ko pero di ko mapigilan. I'm confused.
"Ssshhh. Don't cry." Naramdaman ko yung braso ni Aaron na pumulupot sa balikat ko. He buried my face on his chest like what Tristan always doing.
Why am I thinking him?
"You're upset. Remember what I've told you before? You look so uglier when you cry." Hindi ko naman napigilan na mapangiti. Aaron still really know how to make me stay calm.
"Mira, I still hate your tears." Huminga ako ng malalim. I remember what he's always saying. He told me na she likes everything about me except my tears. I smiled.
"I'm okay." I smiled at him at pinunasan ang luha ko.
"Fine. Ganito nalang." Tumingin siya sa wristwatch niya at ngumiti ng malapad.
"It's still early. Let's roam somewhere. Let's forget about everything. As in, everything. Just the two of us." He stares at me seriously.
Hindi ako nakasagot, nalulunod nanaman ako sa mga ganyan niyang tingin.
What does he mean? Mas pinapagulo niya yung utak ko. I'm really confused now.
"Two of us, Mira. Me and you. Only." I nodded slowly.
Whatever it is, I'll just enjoy this moment. Atleast I can have him for today.
Just the two of us.
---
Dinala ako ni Aaron sa Heritage Cemetery, yes, nandito kami madalas nung kami pa. Dito kasi nakalibing yung mahal na mahal niyang lola na si Mommy Mary. Si Mommy Mary yung nagpalaki kay Aaron and she's really kind. Naabutan ko pa siya but namatay siya nung first year anniversary namin ni Aaron noon.
"Hi, La!" Nakangiting bati ni Aaron sa puntod ng lola niya.
"Hello, Mommy Mary!" I used to call her Mommy kasi she insist. She's so adorable.
"Lola. I miss you. Sorry ngayon nalang ulit kami nakadalawa. You know, busy schedules." Napangiti naman ako. Ang cute talaga ni Aaron pagdating sa lola niya. So cute.
"Yeah! Sobrang nakakapagod talaga, Mommy. Kamusta kana po? Ilang months na rin akong di nakakadalaw dito. Miss mo ako Mommy, 'no?" I laughed softly at hinawakan ang puntod niya.
"Lola. Sorry po ah." Napatingin naman ako kay Aaron. Nakangiti siya pero may bahid ng lungkot.
"Hindi ko po natupad yung promise ko sainyo na I'm going to take care of her until the end and I'll never make her cry. Lola, sorry." Nawala yung ngiti sa labi ko at napatitig ako sakanya.
"Lola. Hindi ko siya napaglaban nung una. Hindi ko ginawa yung best ko para hindi siya mawala sakin. Lola, ang hina ko 'no? Ang weak ko kasi di ko siya napaglaban. Hindi ako gumawa ng paraan para hindi kami maghiwalay noon. Lola, deserve ko din siguro yun, kasi ang weak ko. Ang hina ko. Sorry ulit, lola ha?" Biglang sumikip ang dibdib ko at di ko na namalayan na may patak na pala ng luha sa pisngi ko. Natahimik si Aaron at yumuko. Is he crying?
I wipe my tears. Bakit niya sinasabi ang lahat ng 'to ngayon? Bakit, Aaron? Bakit mo ba yan sinasabi? Ang gulo mo.
"Aaron..." He looks at me. Namumula na yung mata niya. Hindi na'ko nagdalawang isip at niyakap siya.
"Aaron, wala kang kasalanan, wala. Wala. Okay? It's my fault. Don't blame yourself. Ako yung hindi lumaban. Ako yung naging mahina. Aaron, no." Naramdaman ko yung kamay niya na yumakap pabalik sakin.
"Miracle, sorry." His voice was cracked. Umiiyak siya. Hindi ko na napigilan at naiyak din ako.
Gustong gusto kong itanong sakanya lahat ng nasa utak ko ngayon. Gustong gusto kong itanong kung mahal niya pa ba ako, kung pwedeng ako nalang ulit, kung pwedeng akin nalang siya ulit.
Kaso natatakot ako. Natatakot ako na baka pag tinanong ko yun, libo libong karayom yung maramdaman ko sa puso ko dahil sa sakit ng isasagot niya.
Natatakot ako na baka nag-aassume nalang ako. Na baka hindi na talaga niya ako mahal. Natatakot ako na baka iba na talaga yung nasa puso niya.
Ayoko. Ayokong marinig mula sa bibig niya yun. Ayoko ng masaktan. Pagod na pagod na'ko.
"Aaron..." Hinawakan ko yung mga kamay niya at hinarap siya sakin. Seryoso akong nakatitig sa mga mata niyang namumula.
"Aaron, ako pa rin ba?" I know any moment pwedeng mabasag yung puso ko sa sagot niya kaya ready na ako. Alam kong masasaktan ako but I still take the risk.
Hindi siya sumagot at nakatitig lang siya sakin. Alam ko na ang sagot, hindi na. Kahit masakit kailangan kong tanggapin. Hindi na talaga ako.
"Okay lang-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Parang huminto yung mundo ko ngayon. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Gulong gulo na ako. Ano bang nangyayari? Bakit ganito?
"Miracle..." Magkadikit ang mga noo namin. Hindi ko talaga alam ang dapat kong sabihin o gawin. Basta ang alam ko, mahal na mahal ko pa din talaga si Aaron. Na kahit anong mangyari, siya pa din pala talaga.
"Miracle Jade Samonte. Ikaw pa din, ikaw lang naman talaga, at ikaw lang hanggang sa huli. Miracle you are my was, is, and my will." Ngumiti siya at unti-unting nilapat yung labi niya sa labi ko sa pangalawang beses. He smiled weakly.
"Mira, ako pa din ba?" Unti-unti akong ngumiti at tumango.
"It was you until the end." Humiwalay ako sakanya dahil parehas kaming nagulat sa ring ng phone niya.
May nagtext ata sakanya.
"Miracle." Nag-aalangan naman siyang tumingin sakin.
"I need to go. Angel needs me." Hindi na niya ako hinintay sumagot ang nagmamadaling tumakbo paalis.
Paalis papunta kay Angel.
Papunta sa girlfriend niya.
Wow.
Akala ko ako na yung pinili.
Hindi pa din pala ako.
He still choose that Angel over me.
Damn it.
--
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Dla nastolatkówi signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree