A/N: Goodluck sa pagbabasa chapter na 'to. Magready na kayo ng paghahampasan dahil sa kilig! ;)-
Natahimik kaming lahat.
Magsasalita na sana ako kaso-
"SIR TRISTAN! MALAMIG DYAN, BAKA SIPUNIN KA. NAKU, SA LOOB NALANG PO KAYO MATULOG."
Literal na umikot ang mata ko. Bwiset. Okay? Bwiset."Anna, hindi ka ba marunong kumatok? May pintuan naman dito sa rooftop. Sana kumatok ka manlang muna." Napairap ulit ako, bakit hindi manlang galit si Tristan?! Bakit ba ang kalmado niya sa babaeng yan?! KAINIS NAMAN OH.
"Ay, sorry Sir. Pasok na po kayo dun. Naayos ko na po yung master's bedroom. May limang kama na rin po dun, Sir." Tumayo na si Tristan pati si Aaron kaya napatayo na rin kaming tatlong babae.
Paepal talaga kahit kailan.
Pumasok na kami sa master's bedroom at halos mapanganga ako sa sobrang laki at sobrang ganda ng kwartong 'to.
Magkakatabi yung limang kama pero kaunting space naman.
"Dito ako!" Sigaw ni Zia at tumalon siya sa pinakadulong kama, malayo sa pintuan.
"Ako ditooooo~" Masiglang sabi ni Angel habang tumatalon sa kama, katabi ng kay Zia.
Umupo si Aaron sa kamang katabi ni Angel.
Uhm.... so, magkatabi ang kama namin ni Tristan. Errr.
"D-dito nalang ako." Sabi ko, lalapit na sana ako sa katabing kama ni Aaron pero biglang humarang si Tristan.
"Dun ka." Tinignan ko siya at ang itinuro niyang kama. Yung sa kabilang dulo.
Di bale, ang magiging pwesto.
ako tristan aaron angel zia
"O-okay..." Nakayukong sabi ko.
Narinig kong natawa si Aaron. I looked at him. "Hindi ko naman gagapangin si Miracle, Tristan. Takot ko lang sa Angel na 'to."
Namula ako bigla. Gagong Aaron.
"Subukan mo lang." Malamig na sagot ni Tristan kay Aaron.
Naglakad si Tristan sa pintuan. Baka may kukunin sa labas.
Pero bago siya lumabas, nagsalita siya.
"Ako lang may karapatan gumapang dyan."
Naiwan ako dun na nakatulala. Napalunok ako ng laway. A-a-anodaw?
Feeling ko lalagnatin ako. Humiga nako sa kama. 11:30pm na rin. Naglaro pa kasi kami kanina ng X-Box saka mga card games kaya kami ginabi.
Nasa labas sila Aaron, Angel saka Zia dahil sumama sila kay Anna. Pumunta sila sa auditorium nila Tristan. May parang sinehan sila dito. Grabe. Yayamanin talaga.
Si Tristan naman, kasama rin nila.
Nagpaiwan nako dito kasi naman umiiwas ako kay Tristan. Natauhan kasi ako bigla sa sinabi ko kanina.
Madalas talaga hindi ko ginagamit ang utak ko eh.
Nagtalukbong agad ako ng kumot ng maramdaman kong may pumasok sa kwarto. Nagtulog-tulugan ako.
Malamang si Zia yan. Kukulitin nanaman ako na makisali sakanila para manood. Grrrr.
Nagulat ako ng may umupo sa gilid ko.
Dahan dahan kong tinanggal ang kumot ko... hindi si Zia ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Fiksi Remajai signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree