After ng two hours na pagsasama ni Mary Joy at Aaron, pinauwi na agad siya ng Kuya niya dahil bawal ang outsider dito.Di na rin nagtanong si Angel sakin. Okay na rin 'to. Mukhang hindi naman niya alam na ako yun. Di lang naman ako ang Miracle diba? Sana nga.
"Inaantok na kayo?" Masayang tanong ni Zia. It's already 9:30pm at medyo nawala ang antok ko.
"Di pa." Sabi ni Tristan na kasalukuyang kinukutkot ang kuko ko. Parang ewan siya, galak na galak sa mga kuko ko eh.
"Hindi pa nga eh." Matamlay na sagot ni Angel na may sinusulat na kung ano sa libro niya.
"Not yet." Sabay namin sagot ni Aaron. Nagkatinginan kami pero siya ang unang umiwas ng tingin samin.
"Laro tayo, dali na! Spin the bottle. Please?" Pacute na tanong ni Zia habang yakap yakap ang empty bottled water.
Lahat naman kami bumilog na sa lapag except kay Aaron. 'Ni hindi manlang siya pinilit ni Angel at halatang may away sila.
"Oy Aaron. Sali kana." Pinilit kong umarte ng normal habang sinasabi yun. Halatang gulat na gulat si Zia at Tristan sakin. Si Angel naman, ignore lang.
"Fine." Napangiti ako ng palihim ng sumama siya sa may bilog.
Hanggang ngayon, ako lang talaga nakakapagpasunod sakanya. Natuwa ako bigla, bakit ba? Kinikilig ako eh.
Nagstart ng i-spin ni Zia yung bottle hanggang sa tumapat kay Tristan.
"Tris, truth or dare?" Tanong sakanya ni Zia habang nakangisi.
Sandaling nag-isip si Tristan at nagpout. Yaaah, ang cute niya!
"Dare nalang." Parang tangang kinikilig si Zia ng magsimula siyang magsalita.
"Kiss Mira's both cheeks." Nabigla ako sa dare niya kaya nahampas ko siya sa braso. Tawa lang siya ng tawa sa akin.
Wala namang problema sakin kung halikan ni Tristan ang pisngi ko dahil magkaibigan lang naman kami at komportable ako kay Tristan. Walang malisya.
KASO!! Nandito si Aaron, baka kung anong isipin niya.
Tumingin si Tristan sakin na parang naiilang.
Unti-unti niyang nilapit yung lips niya sakin. Nakaramdam ako ng kaba. Bakit? Bakit kinakabahan ako ngayon?
Napakagat ako sa lowerlip ko ng maramdaman ko yung labi niya sa left cheeks ko.
Ang lambot ng labi ni Tristan. Oh my goooosh!
Naramdaman ko ulit yung labi niya sa right cheeks ko. Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang mga kamay ko dahil sa hiya.
Ramdam kong namumula na yung mga pisngi ko. Kinikilig ba ako? AY HINDI! BAKIT NAMAN AKO KIKILIGIN? No way!
Nagpout naman ako at umayos na ng upo. Halatang nahihiya din si Tristan samantalang kinikilig si Angel at Zia.
"Game na." Naiiritang sabi ni Aaron. Hmm, lagi naman yan ganyan eh.
Inikot na ni Tristan yung bote at kay Zia tumapat.
"Truth or dare?" Nagtruth naman si Zia kaya mas naexcite ako. Matagal na nag-isip si Tristan at ngumiti.
"Sinong mas pogi, si Aaron o ako?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Tristan. Miski si Zia. Natawa naman si Angel samantalang sumama ang tingin ni Aaron sakanya.
Lord, ayoko po ng away please!
"Tarantado ka, Tristan! Seryoso kasi. Ibahin mo nalang!" Tawa naman ng tawa si Tristan.
"Edi okay. Naging crush mo ba talaga ako nung third year tayo?" Lalong lumakas ang tawa ni Tristan samantalang mukhang nahiya si Zia.
"Bwiset ka! Pano mo nalaman yun? Fyi, simula first year hanggang second year lang kita naging crush 'no. Nung third year si George na yung crush ko nun. Tapos nalaman ko pa na naging kayo ni Miracle kaya nawala na talaga." Napatigil si Zia sa mga sinasabi niya. Lahat kami natahimik ng ilang segundo. Walang nagsasalita.
"Hindi naging kami." Seryosong saad ko na seryosong nakatingin lang sa bottle.
"Stop denying it. Nanggaling na nga sa bestfriend mo." Halos tumalon ang puso ko ng magsalita si Aaron. Tinignan ko siya, nakatitig siya saakin ng walang emosyon. Hindi ko mabasa yung nasa isip niya.
"I'm not denying it. Hindi naging kami ni Tristan." Umiwas ako ng tingin at sumulyap kay Tristan.
"Tristan. Hindi naging tayo-" Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako ng tumitig siya ng masama kay Aaron.
"Oo, naging kami. Ano bang paki mo? Bakit ang big deal sayo? Mind your own business dude, and Miracle is not your business anymore." Hinatak ako patayo ni Tristan at hinila palabas.
Nagpahila lang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa isang tahimik na garden sa likod ng hotel namin.
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin kay Tristan.
"Sorry.." Hahawakan dapat ako ni Tristan kaso umiwas ako.
"Miracle, listen to me." Niyakap niya ako. Gusto kong magpumiglas pero nanghihina ako. Hindi ako makagalaw.
"Jade. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Ayokong nagmumukha kang tanga sa harap niya. Jade please, hindi kita lagi mapoprotektahan sa kanya sa 'twing sasaktan ka niya. Jade, hindi ko laging mapupunasan yung luha mo kapag iniiyakan mo siya. Hindi kita mayayakap sa 'twing wala ka ng ibang magawa kundi ang umiyak at masaktan."
Naramdaman kong tumulo lahat ng luha ko. Umiiyak ako, hindi dahil kay Aaron, kundi dahil kay Tristan.
Bukod kay Kuya Reid, kay Zia at kay Aaron dati, sakanya ko nalang ulit naramdaman na may nagpapahalaga pa sakin. Na may gusto pang alagaan at protektahan ako. Kahit sa mga sarili kong magulang hindi ko naramdaman yun.
Niyakap ko pabalik si Tristan at umiyak lalo.
"Tristan.. salamat. Thankyou ng marami. Tristan, thankyou talaga. Sobra sobrang thankyou." Hindi siya sumagot at mas hinigpitan lang ang yakap niya saakin. Hinagod niya ang likod ko na parang pinapatahan ako sa paghagulgol ko.
"Jade, sorry." Hinarap niya na ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Napapikit ako ng maramdaman ang labi niya sa noo ko.
I feel so secured.
"I'm sorry..." Kinabahan ako.
"I am going back to California."
In a snap, it makes me cry again.
-
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Fiksi Remajai signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree