Chapter 29: Girlfriend?

17 1 0
                                    


Kasama ko ngayon si Aaron, Angel at Zia sa loob ng kwarto ni Tristan. Uuwi na siya ngayon, kami na ang pinasama ni Tita (mama ni Tristan) pauwi sakanila. Para din daw makapag-lunch kami sakanila.

"Oh, ingat." Inalalayan ni Aaron si Tristan kaya bigla akong natawa ng malakas. Napatingin sakin silang lahat.

"Ay, sorry." Pinigil ko ang tawa ko pero ayaw talaga. Natatawa talaga ko.

"Hoy baliw. Bakit? Ano nakakatawa?" Tamong sakin ni Zia.

"Sweet kasi ni Aaron at Tristan." Tumawa na rin si Zia at Angel kaya binitawan ni Aaron si Tristan.

"Inamo! Gago!" Sigaw ni Tristan kay Aaron dahil muntik na siyang bumagsak dahil binitawan siya nito.

"Mas gago ka. Inamo rin." Natawa na rin si Tristan kaya lahat kami tumatawa na maliban kay Aaron.

Walang pagbabago. Aaron na Aaron pa din. Napakasungit.

"Mga bwiset. Dalian na nga ninyo!" Natatawa naman kaming lumabas ng room ni Tristan.

Bumilis nanaman yung kabog ng dibdib ko ng maramdaman kong may kamay na humawak sa kamay ko.

Tinignan ko siya. Si Tristan.

"B-bakit?" Nauutal na tanong ko. Hindi niya ko tinignan. Ngumiti lang siya at hindi ako sinagot.

Naglakad kami na magkahawak ang kamay. Walang nagsasalita. Hindi pa kami nakakapag-usap pero, pero alam ko, magiging okay na rin kami.

Sana.


"Welcome back, Sir Tristan!" Nagkatinginan kami ng may isang dalagang maid ang bumati samin. Sa tingin ko, mga 18 or 19 lang din siya pero katulong siya dito sa bahay nila Tristan.

"Salamat, Anna." Nakangiting sabi ni Tristan sakanya. Lumapit naman yung Anna kay Tristan at umangkla sa balikat neto.

ABA?

"Namiss kita, Sir Tristan. Grabe. Pumayat kana. Namiss kitaaaaa." Tumaas bigla ang kilay ko. Grabe makasabit?! Alam naman niyang may galos si Tristan?!

"Hey." Nakataas ang kilay ko na tumingin dun sa Anna na yun.

"Aren't you aware that Tristan has wounds on her arms but you keep on clinging to his arms?" Natahimik bigla sila Aaron. Nagulat sila ng magsalita ako.

"S-sorry po. Oo nga pala. Nasaktan kaba sir? Huhu. Ang dami mong sugat. Masakit ba yan? Naku sir. Yung balat ninyo." Lalong naningkit ang mata ko ng hawak hawakan niya ang braso ni Tristan. At etong Tristan naman na 'to, gustong gusto.

"Again, Ms. Anna. May sugat na sa balikat si Tristan, baka hindi gumaling if you keep on touching it." Tumigil siya sa paghawak sa balikat ni Tristan.

"Ano pong gusto ninyo sir? Magpapahinga po ba kayo? Gusto po ba ninyo matulog? Aayusin ko po ang kama ninyo." Lalong uminit ang ulo ko ng hawakan niya ang pisngi ni Tristan.

"CAN YOU STOP TOUCHING MY BOYFRIEND?!" Kinuyom ko ang kamao ko sa sobrang inis. Ang sarap manapak.

Nanlaki ang mata ni Aaron, Angel at Zia. Kahit si Tristan biglang napalingon sakin na gulat na gulat. At ngayon ko lang narealize na lahat ng maids, guards, mga pinsan ni Tristan.... at ang mama niya, NAKATINGIN SAKIN.

oplan: be mine again [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon