Chapter 12: Fifth Tip

26 2 0
                                    


Nakalabas na si Kuya galing sa hospital at dun muna siya sa dorm namin ni Zia nag-stay. Nung una ayaw pa niya dahil nga malaki naman ang bahay namin kaso I insist. Kailangan ko muna siyang bantayan kaso may studies pa ako.

"Mira, are you sure about this?" For the nth time, he asked.

"Kuya. Wag matigas ang bungo. Please lang, ha? Wag pasaway." Inirapan ko lang siya at inayos na lahat ng gamit ko.

"You want me to drop you on your school?" I intently shook my head. Shunga ba 'tong Kuya ko? Kakagaling lang sa car accident tapos magmamaneho siya?

"What do you want me to do then? For pete's sake, Miracle. You just want me to stay here at your room and watch over that nonstop movies on your television, eat all those stocks on your ref and do it again. C'mon! I hate being bored."

Hindi ko mapigilang mapairap sa Kuya ko. Nakailang irap na ako sakanya at halos bumaliktad na ang mata ko pero nyeta, bakit ba ganito ang Kuya ko?

"Then involved yourself with a car accident again! You stupid lizard." Padabog kong kinuha lahat ng gamit ko at lumabas ng kwarto.

"Take care, little pissed panda!" Narinig ko pa ang halakhak niya bago ako tuluyang umalis ng dorm. Oh gosh, mahal ko Kuya ko pero bakit ganito siya ka-monggoloid? Ugh.




Madaming quiz ang bumungad sa pagkapasok ko ngayon. Dinugo agad ang utak ko grabe. Di ba pwedeng hinay hinay lang? Grabe talaga. Haaaay.

Nabalik ang tingin ko sa isang vacant chair sa tabi ko. Ano kayang ginagawa ni Tristan ngayon sa Cali? Sana okay lang siya ngayon.


After taking all the quiz na hindi ko na-take at kailangan kong i-take, sa canteen agad ang tungo ko. Kailangan ko ng Nova at cupcakes ngayon.

Napabuntong hininga naman ako ng maalala ko nanaman si Tristan. He loves to buy me all the foods that make me smile.

"How I wish he's here." Bulong ko sa sarili ko pagkaupo ko sa isang vacant na pwesto dala lahat ng pagkain ko.

"Sino?" Halos mabulunan ako sa kinakain ko ng biglang lumabas sa harapan ko ang isang poging nilalang.

"A-Aaron? A-ah, eh." Umupo naman siya sa harap ko at ngumisi. Shit! Nag-smirked siya! Nakita kooooo. Oh my gosh!

"Paupo lang ah? Hinihintay ko pa kasi si Angel sa last class niya eh." Yung kaninang nagdidiwang kong puso, nakikipaglamay na ngayon.

"Ah." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain ko. Kung nandito si Tristan, siguro hindi ako tatahimik ng ganito.

Aish, bakit ko ba iniisip ang isang yun? Busy yun sa California! Dapat di ko siya pinoproblema eh.

"Ayos ka lang?" Napatigil ako sa pagkain at narealize ko nalang na nakabusangot ang mukha ko.

"Ay, sorry." I just looked away pero ramdam kong nakatitig pa din siya sakin.

"Miss mo na si Tristan, 'noh?" Pinilit kong ngumiti kahit pilit lang lahat ng 'to.

"Yun? Di 'noh! Bakit naman diba?" Hindi niya ako sinagot at nakita ko namang may kinawayan siya sa likod ko. Maybe si Angel na yan.

"Sige, una na ako." Hindi ko na hinintay yung isasagot niya at nagdiretso nang maglakad papuntang locker area dala yung mga pagkain na hindi ko naubos.

At again, may isa nanamang yellow paper na nakadikit sa locker ko.

Should I really continue this Oplan? Kasi mukhang wala na talagang pagasa eh.

I sighs and still open the note.

"Fifth tip for the Oplan: Be Mine Again. Nako bes, may pagbabago ba? May epekto ba? Hays. This stip is kinda simple, do the things that makes him turn on. Yung bagay na gustong gusto niya. Halimbawa: Gusto niya yung babaeng mahilig sa streetfoods, kahit ayaw mo nun, kailangan gawin mo and make sure na makikita niya. Malay mo, maturn-on ulit siya."


I crumpled the paper bago ito itapon sa malapit na basurahan.

Now what? I feel so desperate. I feel so desperated just to get him. I don't deserve this one. But I need to. I need him.

I close my eyes habang inaalala ko yung mga memories na nakatatak pa sa utak ko.

"Alam mo, never pa kitang nakitang nakahawak sa libro at nagbabasa. Ang cute mo sigurong tignan kung ganun." Nagpout nanaman siya sa harap ko kaya natawa ako bigla.

"Turn-on sayo mga babaeng nagbabasa ng libro?" I asked her while pouting.

"Yup. Medyo. Ang cute kasi tignan. Pero baby, don't worry, kahit hindi ka nagbabasa or what, turn-on na turn-on pa din ako sayo. Shit, lakas talaga ng tama ko sayo!" Hindi ko mapigilang matawa dahil sa kilig. This man really know how to make me feel stupid.



I can't stop myself from smiling as I open my eyes. Mukha siguro akong tanga kung may makakakita sakin pero who cares? Ang sarap balikan lahat ng ala-ala. Lahat ng meron kami noon. Lahat lahat.

Aaron and I been together since half of second year till' fourth year. Almost 2 years and 5 months din kami. Masyado maraming memories ang nabuo namin na sobrang hirap bitawan. It's been 11 months since we broke up. At para sakin, lahat ng sakit sariwa pa.

It's been always Aaron and will always be. Walang makakapantay sa pagmamahal na meron ako para sakanya. Gusto ko siya lang. Gusto ko ako lang.

I looked at my watch at nagulat ako dahil anong oras na. I need to call Kuya Reid kung kumain na ba siya.

Knowing Kuya, he's very hardheaded. Lahat ng dapat gawin, salungat ang gagawin niya. Kumbaga if you told him to go right, he will go left. When you told him to choose white, he'll choose black. Kuya is very unpredictable. I don't know.

I can't contact him kaya I text him right away. Bwiset, baka ano nanamang ginawang kabulastugan ne'to!

[To: Kuya Reid Bakulaw <3
Hoy! Nasaan ka?! Answer my calls, you stupid!!!!]


Tinago ko ang phone ko at naglakad na pabalik ng room. Nakita ko namang magkasama si Aaron at Angel na mukhang hinatid ni Aaron si Angel sa room ne'to.

I pretend na hindi ko nakita.

I pretend na hindi ko napansin.

I pretend na wala akong paki.

I pretend that I was okay.

But..


When will I stop pretending?

-

oplan: be mine again [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon