"Saglit lang! Ito na nga!" Napairap nalang ako ng marinig ko ang sigaw ni Angel.Ang gandang babae pero sobrang kupad kumilos.
"Ganyan yan si Angel, sobrang bagal kumilos. Kaya palagi kaming nalelate pag sinusundo ko siya." Natawa naman si Zia sa sinabi ni Aaron.
"Halata nga eh. Siya unang nagising at nag-ayos ng sarili pero siya pa rin huling natapos." Hindi ko naman mapigilang mapailing sa sinabi ni Zia.
"Okay na, okay na. Sorry naaaaa kung ang tagal. Eto na." Nakangusong lumabas si Angel habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.
"Let's go." I said coldly at dire-direchong lumabas ng bahay nila Tristan.
Wala ako sa mood.
"Ma'am, Sir. Pasok na po kayo dito. Hahatid ko na kayo." Nginitian ko lang si Manong driver atsaka sumakay sa black van nila Tristan.
Since nag-overnight kami dito kila Tristan, sabay sabay na rin kaming papasok ngayon sa school.
Agad akong umupo sa may seat sa harapan, katabi ng driver. AYOKO NG MAY IBANG KATABI.
Wala ako sa mood!
And I don't fucking know why. BASTA NAIINIS AKO. Hindi ko alam kung bakit. Basta naiinis ako, naiirita ako.
Wala akong PMS, next week pa ako magkakaroon kaya alam kong hindi yun yung dahilan. BASTA! Naiinis ako.
"Jade..." Ibinaba ko ang salamin sa gilid ko dahil kumakatok si Tristan.
"What?" Taas kilay na tanong ko.
"Dyan ka?"
"Obviously. Sakay na! Malelate na tayo." Sinara ko na yung bintana at sinandal ang likod ko.
Sinabi ko na bang naiinis ako?!
Kung hindi pa, OO NAIINIS AKO!
Ipipikit ko na sana ang mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses sa labas kaya agad kong binaba ang bintana.
"Sir! Ingat ka na po ah? Wag po kayong magpapalipas ng gutom, okay?" Automatic na tumaas ang kilay ko nang makita ko yung Anna na yun na nakasabit sa braso ni Tristan.
LALO AKONG NAIINIS.
GUSTO KONG MANAPAK!
"Sige na, Anna. Aalis na kami. Mag-ingat kayo dito ah. Salamat-" Hindi ko na pinatapos magsalita si Tristan dahil sinara ko ng malakas ang pintuan ng sasakyan.
Oo, lumabas ako!
At oo, hindi nako sasabay dito pagpasok!
NAIINIS AKO!
Hindi nako lumingon at dire-direchong naglakad palabas ng gate nila Tristan. Nag-abang ako ng taxi. Magcocommute nalang ako. Lalo lang akong maiinis.
"Jade!" Kinuyom ko ang kamao ko ng madinig ko ang boses ni Tristan.
"Hey, Jade! What's wrong?" Naramdaman ko naman ang kamay niya sa braso ko kaya agad ko itong tinanggal.
At sa wakas! Nakakita ako ng taxi papunta sa direksyon ko kaya agad ko itong pinara.
"Jade, ano ba! Hindi ka aalis mag-isa!" Hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay kaya tinanggal ko ito ng sobrang lakas.
"Bitawan mo nga 'ko!" Sigaw ko sakanya at agad na binuksan ang pintuan ng taxi atsaka sumakay.
"JADE!"
Hindi ako pumasok sa first subject ko dahil wala akong gana. Wala ako sa mood. Badtrip ako. Naiinis ako. Naiirita ako. Ayokong makakita ng ibang tao. Nakakabwiset. Gusto kong manapak, manabunot, mangalmot, manipa! Urgh! Miracle!
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Novela Juvenili signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree