Hindi ako nakagalaw. Hindi ko alam ang dapat kong i-react. Bakit ganito?Bakit puro tanong nalang ako sa isip ko? Tristan...
"Tristan." Sinubukan kong lumapit sakanya pero bawat paglapit ko, humahakbang siya paatras.
Bawat hakbang niya, nasasaktan ako.
"Tristan..." I try to reach his hand pero lumayo siya sakin lalo.
"Miracle." He said.
M-Miracle...
Tristan smiled with his tears on his eyes bago ako talikuran.
Nagulat ako sa ginawa niya.
Tinalikuran ako ni Tristan.
"Leave." Halos manlaki ang mata ko sa narinig ko. Teka... tama ba yung dinig ko?
Anong... sinabi niya?
"Just fucking leave. Kakalimutan nalang kita."
The moment I heard that, isa lang ang alam ko.... nanghina ako.
Fuck.
Dalawa. Dalawang linggo simula ng sabihin sakin yun ni Tristan. Dalawang linggo simula ng magkulong ako sa kwarto. Hindi ako pumasok ng dalawang linggo. Wala akong gana. Wala akong ganang gumalaw. Basta ayoko. Ayoko tumayo. Ayoko... ayoko ng nararamdaman ko.
"Mira...." Ipinikit ko ang mata ko at nagkunwaring nagtutulug-tulugan.
"Mira, tulog ka ba?" Narinig ko ang buntong hininga ni Zia. "Kung ano man yan, alam ko bebs, makakaya mo yan. Hindi ko alam kung tungkol ba yan kay Aaron, o may iba pang dahilan. Pero Miracle, I know you can do it. But please, always choose happiness. Piliin mo lang yung makakapagpasaya sayo."
Umiinit nanaman yung mata ko. Shit naman. Kakatapos ko lang umiyak, iiyak nanaman ako. Napagod nako kakaiyak, pero maya maya iiyak nanaman ako. Hindi ba nagsasawang lumabas yung mga luha ko?
"Una na'ko bebs. Hindi ako makakauwi. Ingat ka dito. I love you." Narinig ko ang pagsara ng pinto.
Umupo ako sa kama at pinunasan yung mga luha ko.
"Bakit ba 'ko nagkakaganito?" Pinilit kong pigilan yung luha ko pero wala eh. Walang tigil pa din sa paglabas.
Bakit?
Bakit ba ako nasasaktan?
Bakit nga ba ko nasasaktan?
Just fucking leave. Kakalimutan na kita.
Kakalimutan na kita.
Kakalimutan na kita.
I shooked my head when I heard Tristan's voice. Naninikip nanaman yung dibdib ko sa sakit.
Parang dati lang, sobrang saya yung nararamdaman ko kapag naririnig ko ang boses niya.
Pero ngayon, parang tinutusok ng kung ano yung puso ko.
Pero bakit?
Bakit ba ako nasasaktan dahil kay Tristan? Eh ano naman kung kakalimutan niya ko? Ano naman diba? Bakit ko kailangang masaktan?
Sino ba naman si Tristan para saktan ako?
Wala naman diba? Kaibigan ko lang naman siya diba? I mean, kaibigang nandyan para sakin palagi. Kaibigang nagpapasaya sakin palagi. Kaibigang akala ko kahit kailan hindi ako sasaktan.
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Teen Fictioni signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree