Chapter 10: Accident

32 2 0
                                    


Pagkarinig na pagkarinig ko ng alarm ko pinatay ko agad 'to at hindi pinansin. It's saturday at walang pasok. I need more sleeeeeep!

"Hoy, Miracle! Gising na." Hindi ko pinansin si Zia at nagtakip lang ng unan sa mukha.

"Kachat ko si Tristan. Kinakamusta ka!" Napatingin naman ako sakanya. Umupo na ako sa kama and rub my eyes.

"Weh? Ano sabi?" Wala na akong nagawa at tumayo na sa kama. Nag-inat inat muna ako bago pumasok ng CR. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush bago lumabas ng CR.

"Kinamusta ako, tapos ikaw. Sabi niya, alagaan daw kita. Wag daw kitang hayaan saktan ni Aaron." Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Miracle. Alam ba ni Tristan yung about sa Oplan?" Sandali akong napatigil at napatitig sakanya.

"Hindi." Kinuha ko yung suklay at nagsimula ng suklayin ang buhok kong sakto lang ang haba.

"Do you think na kailangan niyang malaman? Kasi kaibigan din naman natin siya eh."

Hindi ko alam pero parang ayoko. Ayaw ni Tristan na nagmumukha akong tanga para kay Aaron tapos may Oplan-oplan pa 'ko? Aish, ayoko!

"Wag ngayon, Zi. Ayoko pa." Tumango naman siya at lumabas na ng kwarto namin.

Narinig ko namang nagring yung phone ko kaya tinignan ko agad 'to. Unknown number?

"Yes, hello? Miracle Jade Montecillo speaking."

/You are Destiny Reid Montecillo's little sister?/

Sandali akong napatigil at napaupo. Para akong nanghina dahil sa kaba.

"Hmm, o-opo. Bakit po? S-sino po k-kayo?"

/This is Doctor Wu of San Sebastian Medical Center. Naaalala mo pa? Montecillo's personal doctor./

"O-opo, d-doc. Bakit po? Ano pong nangyari kay Kuya?"

I bite my nails dahil kinakabahan ako. Sana naman walang nangyaring masama kay Kuya.

/Yung Kuya mo kasi. Nasa ER ngayon. Yung sasakyan niya nabangga sa truck kagabi. If you don't mind, sana makapunta ka dito. Hindi ko kasi macontact ang parents ninyo./

Hindi ko na mapigilang mapaluha. Bakit si Kuya pa? Kuya please. Hold, on.

"Pupunta po ako. Thankyou!"

-

Hindi ako mapakali habang nasa loob ng taxi. Punas ako ng punas ng luha ko pero ayaw matigil.

Sana okay lang si Kuya. Sana walang mangyaring masama. Please po, wag si Kuya. Please po, please. Nagmamakaawa po ako.

Kuya Reid was always there since bata palang ako hanggang ngayon. Kuya Reid is two years older than me because he's already 19. Palaging wala sila Mommy at Daddy kaya si Kuya lang yung lagi kong kasama. Si Kuya lang yung nandyan para sakin. Si Kuya lang yung nag-aalaga sakin.

Kahit lagi akong inaasar o binubully ni Kuya, at the end of the day, kaming dalawa pa din yung naglalambingan at magkasama.

Mahal na mahal ko si Kuya ng sobra. Kaya hindi ko kakayanin pag may nangyari sakanya. Kahit palagi ko siyang sinusuway, siya lang yung lalaking hindi nagsawa at napagod na intindihin ako.

Please God, wag po si Kuya. Wag po muna. I'm begging...

Pagka-park na pagka-park ng taxi ay agad kong inabot ang bayad at tumakbo palabas.

Hinanap ko agad ang ER at doon ko nakita si Doc Wu sa labas.

"Ililipat na namin ang Kuya mo sa isang private room. Okay naman na siya pero hindi pa siya nagigising. Kailangan pa nating maghintay ng two days bago siya magising. Masyadong malala ang hemorage na nakuha niya sa pagkabangga sa truck. By the way, excuse me." Tumango lang ako kay Doc at umupo sa bench na malapit.

Iyak ako ng iyak habang inaalala ko kung paano pa kami nag-away ni Kuya dahil hindi manlang ako umuuwi ng bahay.

Alam kong namimiss na niya ako pero hindi manlang ako nagpakita. Kuya, sorry. Lumaban ka please. Kailangan kita, kailangan ka pa ng baby panda mo. Kuya please...


Nailipat na si Kuya sa isang private room, mag-isa ako dito dahil hindi ko din ma-contact yung mga magulang ko na walang ibang alam na gawin kundi ang magpayaman sa ibang bansa.

Si Zia naman, nasa magulang niya. Hindi rin siya pwede.

Si Tristan, nasa Cali. Kung nandito lang sana siya. Bakit pa kasi siya umalis? Sa mga ganitong pagkakataon, si Tristan yung kasama ko eh.

I wipe my tears as I dial his number. Sana sagutin niya.

"Hello?"

/Bakit napatawag ka?/

"Aaron, samahan mo ako..."






It's past 4:00pm at wala pa akong lunch o kahit anong pagkain. Hindi ako makaramdam ng gutom dahil sa nakikita kong iba't-ibang mga machine at hose na nakadikit kay Kuya.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Si Aaron.

"May dala akong lunch mo. Kumain ka muna. Sorry kung ngayon lang ako, tinapos ko pa kasi yung saturday class ko eh." Nilapag niya yung mga pagkain sa lamesa at tumitig lang sakin. Nakatayo lang siya sa may gilid habang nakapamulsa.

"Miracle, kumain kana." Hindi ko mapigilang mas maiyak. Hindi ko alam. Hindi ko na alam.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. This time, I feel so safe.

Sa yakap ni Aaron sakin ngayon, naramdaman ko yung nararamdaman ko sa 'twing niyayakap niya ako noon.

Naramdaman kong may halaga pa ako. Naramdaman kong may paki pa din pala siya sakin.

"Sssh, tahan na. Kuya Reid will be fine. Tahan na." Hinagod niya yung likod ko at mas humigpit yung yakap niya sakin.

Niyakap ko siya pabalik. Ayoko ng umalis sa yakap niya. Gusto kong sabihin sakanya na pwede bang wag na siya kumalas sa yakap?

Pero sino ba naman ako?

Unti-unti akong bumitaw sa yakap at tumingin sakanya.

"Salamat ah?" He just nod at me at tumingin sa kama kung nasaan si Kuya Reid.

"Ngayon ko nalang ulit nakita si Kuya Reid," I looked at him pero umiwas din ako ng tingin.

"Ako din, ngayon ko nalang siya nakita eh. Tapos ganito pa." Tumayo naman siya at pumunta dun sa lamesa para ata ayusin yung mga pagkain.

Dala dala niya yung favorite kong Nova, Cupcakes at Pizza. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Kainin mo na muna yan." Tumango lang ako at sinimulan ng kainin yung pizza.

Napansin ko namang nakatitig sakin si Aaron kaya nailang ako.

"Uh, bakit?" He shooks his head at umiwas ng tingin.



















"Miracle, minahal mo ba talaga ako?"

-

oplan: be mine again [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon