It's our last day ng retreat namin ngayon. Naenjoy ko naman ang retreat at mga activities althought may mga nangyari pero okay pa din."Kain muna tayo." Aya samin ni Angel sa baba.
Tumango lang ako dahil nag-aayos pa ako ng gamit ko. Si Zia at Tristan naman sumunod na kay Angel palabas.
Hindi pa kami nagpapansinan ni Tristan dahil ayoko. Ayoko siyang paalisin pero sino ba naman ako diba? Anong karapatan ko para pigilan siya?
"Hindi ka pa kakain?" Literal na nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Punyeta!
Nilingon ko kung sino yun. Si Aaron na kakalabas lang ng CR at bagong ligo.
Umiwas agad ako ng tingin.
"Mamaya na." Umupo siya sa kama niya na nasa pinakadulo. Kahit hindi ko sabihin, ramdam na ramdam kong nakatitig siya.
"You never changed, Miracle." Naramdaman ko nanaman ang usual na feelings kapag naririnig ko ang boses niya.
Parang race na naghahabulan yung mga heartbeats ko.
"Ha?" I looked at him. Nagtama ang tingin naming dalawa. Walang umiiwas. Kahit ako, feeling ko nalock na yung mga tingin ko sa mga mata niya.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong unti-unti siyang ngumiti.
Napayuko ako. Oo, ngumiti siya. He smiled! He smileeeeed. I bite my lowerlip para pigilan ang pagngiti ko.
Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Nanlalamig yung buo kong katawan.
Ganito pala talaga ang epekto sakin ni Aaron? Grabe.
Tumayo na ako at tinabi sa gilid ang maleta ko. Handa na rin sana ako lumabas ng room kaso...
"Mira, wait." Sa sandaling niyakap ako ni Aaron, pakiramdam ko tumigil yung pag-ikot ng oras. Corny man pakinggan, pero pakiramdam ko, ayoko ng matigil 'to.
Mas humigpit ang yakap niya. Hindi ko napigilan at parang may sariling utak ang mga kamay ko dahil narealize ko nalang na nakayakap na rin pala ako kay Aaron. Ilang minuto kaming tahimik na nakayap sa isa't isa.
"Mira, can we stay like this?" Hindi ko mapigilang mapangiti. Gustong sabihin na, oo. Gustong gusto ko. Pero pinili ko nalang na di sumagot.
Mahal na mahal ko pa din talaga 'tong kayakap ko ngayon. Mahal na mahal.
We stay hugging each other ng matagal hanggang sa kumalas na siya sa pagkakayap. Tinignan niya ako sa mata.
Heartbeats, please calm down.
"Miracle." He pats my head and smile for the last time.
Yung ngiti niya, halatang may bahid ng lungkot.
Pero bakit?
Bakit malungkot siya?
Bakit?
"Labas na tayo. Hinihintay ka na ni Zia at Tristan mo. Hinihintay na rin ako ng Angel ko."
Nauna na siyang lumabas at naiwan akong tulala sa loob.
I promised to Tristan na hinding hindi na ako iiyak pa.
Pero naramdaman kong tuloy tuloy ng umaagos yung luha ko.
Umasa ako.
Umasa ako eh.
Wag ka nga daw talagang aasa.
Yung yakap at yung ngiti niya? Wala lang lahat yun.
Kasi si Angel na talaga yung mahal niya eh.
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Teen Fictioni signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree