Miracle's POV"I heard about your two weeks absent, Miracle Jade. Tell me, what happened?" Nakayuko ako ngayon sa harap ni Kuya Reid. Hindi ko alam ang dapat kong isagot.
"Uh.. K-kuya. Ano kasi... nagka-allergy ako-"
"MIRACLE FUCKING JADE SAMONTE! ANSWER ME!" Nagulat ako sa sigaw ni Kuya kaya lalo akong napayuko. Hindi ko kaya tumingin kay Kuya Reid lalo na kapag galit siya. Natatakot ako kapag galit at seryoso siya.
"Wala akong gana." Sagot ko sakanya.
"What happened?" Kalmado ng tanong niya sakin. Umupo siya sa gilid ng kama ko kaya umupo rin ako sa tabi niya. Tumitig lang ako sa mga paa ko.
"Hindi ko alam..." Bumuntong hininga naman siya bago hawakan ang kamay ko.
"Miracle. Listen to me." Unti unti kong tinignan ang mukha ni Kuya.
"Miracle, I know you. I'm with you since you're a little baby, remember? Ako yung nandyan simula lumaki ka. Simula matuto ka sa lahat ng bagay. Miracle, ako yung nandyan nung...." Napahinto naman siya at naramdaman kong unti unti niya akong niyakap ng mahigpit.
"....nandyan ako nung maging masaya at malungkot ka kay Aaron. Nandyan ako nung mga panahong miserable ka dahil kay Aaron. At nandyan ako nung mga panahong hindi mo na alam ang dapat gawin sa sobrang sakit na nararamdaman mo dahil kay Aaron."
Huminga ako ng malalim at tumango. Naiiyak nanaman ako. Pero pinigilan kong maluha. Palagi nalang kasi ako umiiyak. Napapagod na yung mata ko.
"Miracle, I told you, I know you. Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. At this time, I know... this is not about Aaron. Kanino ka nasasaktan ng ganyan ngayon?"
Humiwalay ako ng yakap kay Kuya. Tinignan ko siya ng walang emosyon.
Kanino?
Hindi ko alam.
Pero isang tao lang pumapasok sa isip ko ngayon.
"Tristan."
"Goodmorning, everyone!" Tumayo naman kami at sabay sabay na bumati kay Ma'am Grace.
"Today, we are going to do the first person game. Simple lang ang procedure ne'tong game na 'to. We have to do this, para marefresh ang utak natin and to assess ourselves. May mga sasabihin akong salita, at kung sino ang unang unang taong naisip mo dahil lang sa salitang yun, yun ang isasagot mo."
Napatahimik ako saglit at bumuntong hininga. Umayos ako ng upo at inilabas na ang yellow paper ko.
"First word," panimula ni ma'am. Pinikit ko ang mata ko para sigurado ako sa isusulat ko.
"Happiness." Ma'am said.
Bigla 'kong nadilat ang mata ko, I look for him.
Sabay kaming napaiwas ng tingin. Hinawakan ko ang dibdib ko bago iyulo ang ulo ko. Okay, that was so epic!
Tristan.
Hindi ko alam pero gusto ko lang maging honest sa sarili ko ngayon. Hinayaan kong ang sarili kong isip, puso at kamay ang sumagot at magsulat sa yellow paper ko.
Happiness? Bakit... bakit siya ang naisip ko? Bakit si Tristan? Bakit nga ba feeling ko... si Tristan ang happiness ko ngayon?
Bakit?
"Done?" Lahat naman sila ay sumagot, samantalang nanatili akong tahimik.
"Next, regrets."
I took a deep breathe before I wrote the answer on my paper.
Aaron.
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Fiksi Remajai signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree