Masaya akong pumasok ngayon dahil sa text ni Aaron kagabi. Hay buhay! Sana makita ko na siya now na, as-in ngayon na talaga. Yung on the spot-
"AY SHET!" Naglaglagan naman lahat ng gamit ko dahil pagliko ko may nakabunggo akong lalaki.
"Ay, sorry." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig when I heard his voice.
Hindi ako pwedeng magkamali! Si Aaron 'to. Oh my gosh!
"Hindi, sige. Okay lang!" Isa-isa kong kinuha yung mga nalaglag kong gamit.
"Let me help you." Tinulungan niya naman akong kuhanin yung mga gamit ko.
Napayuko ako. Omg! Parang kaka-wish ko lang kanina ah? Ang bilis naman ng grasya! Thankyou Lord. Goooosh.
"Saan ka ba? Tara, hatid na kita." Aangal pa sana ako kaso nakita ko yung expression ng mukha niya. Sa tagal kong kasama 'to si Aaron, alam ko kapag hindi siya papaawat. Well, yeah.
"Fine. Sige." Tahimik lang kami habang naglalakad papuntang room ko. Baka naman ano isipin ng mga taong makakakita samin? Hmm well, gusto ko rin naman! Shocks, ang landi ko na. Ano ba naman!
"Dito na'ko, Aaron. Thankyou sa paghatid ah?" Nginitian ko siya pero seryoso lang naman siyang tumango.
"Wala yun. Ay nga pala, yung text ko kagabi. Kausapin kita mamayang break ninyo ah? Asahan kita. Hintayin kita sa rooftop ng Engineering Dept." Dahan dahan naman akong tumango at nagthumbs-up
Halos lumundag yung puso ko ng tapikin niya ako sa balikat at... SHIT! NGUMITI SIYA.
"Salamat. Sige, pasok kana. Bye! See you." Naglakad naman siya palayo samantalang ako ay parang natutunaw.
OH MY GOOOOOOOOD!
Nakangiti akong pumasok sa room. Nagtaka naman ako ng parang halos lahat sila nakangisi sakin. Uh?
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" Nagulat naman ako ng kumanta si Ate Shey. Nakita kaya nila? Oh my.
"Sana'y maulit muli~ Ang pag-ibig natin~" Pakantang bungad sakin ni Patricia.
"Dararatdat DATI~ Dararatdat DATIII~" Halos matawa naman ako ng kumanta si Roby.
"Anong problema ninyo?" Lahat naman sila nag-ayiiee kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
"Pahatid-hatid pa."
"Pa-salamat salamat pa."
"Pa-see you, see you pa."
"Pangiti-ngiti pa."
"Patapik-tapik pa."
"OH MY GOD, MONTECILLO! KAYO NA ULIT NUN NI SAMONTE? OH MY GOD?"
Di ko na napigilan at natawa na ako ng malakas. Ang lakas ng tama ng mga kaklase ko. Fudge.
"Mga baliw! Hindi 'noh." Umiling naman silang lahat. Nakita ko namang tumayo si Haide at umangkla sa braso ko.
"Ate Miracle, diba may Angel na yun? Wag ka na dun, kay Kuya Tristan ka lang!" Napangiwi naman ako sa sinabi ni Haide.
Magkaklase pala kami ni Haide sa lahat ng subjects ngayon.
"Baliw ka din eh." Umiling nalang ako. "Shut up nga kayo, guys! Ang chismosa't chismoso ninyong lahat eh."
Nagtawanan naman silang lahat at bumalik sa mga ginagawa nila. Napansin ko si Tristan na busy lang sa phone niya.
Ang tahimik niya ata?
Dapat ba akong matuwa dahil siya na mismo ang umiiwas sakin? Or dapat akong malungkot dahil feeling ko mawawala siya sakin?
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Teen Fictioni signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree