"Psychopath!"
"Baliw!"
"Sira ata tuktok nito eh"
"Abnormal yan! Nananakit ng babae!"
"Sayang gwapo pa naman sana yun na nga lang may sakit ata sa pag iisip!"
Iilan lang yan sa naririnig ko sa tuwing papasok ako sa University.
Jack Miguel Hemsworth
Gwapo. Matangkad. But he's weird. Sabi nila isa raw syang psychopath. A person who is mentally ill, who does not care about other people, and who usually dangerous and violent.
Wala syang pakealam sa ibang tao, pag pumapasok sya kung di sya magsusuot ng earphone for sure mapapaaway sya dahil sa mga binabato nilang salita sakanya. Lagi kong nababalitaan na dinadala sa hospital ang mga nakakaaway nya. I don't know kung bakit ganyan sya I just woke up one day sya na ang lagi kong nakikita pagpasok ko sa university.
I always wanted to be his friend, I'm not afraid. Di ako natatakot sakanya dahil alam ko mabait syang tao. Napapansin ko kasi na mailap lahat ng tao sakanya dahil siguro takot ito sakanya. I believe he's not a psychopath. He's just violent.
It's my last year in college but I decide to transfer because of some reason. At dito nga ako napadpad sa university na puno ng estudyanteng Rich Kid. I feel like I'm not welcome here because I'm poor.
"Audrey!"
Napalingon ako dahil sa pagtawag ni Kendra sa pangalan ko.
May one and only friend sa university na to. Tulad ng iba mayaman din sya, pero iba sya sa lahat dahil mabait sya.
"Lets go! JM is in trouble again!" Medyo nagpapanic na sambit nya.
Tulad ko, gusto din maging kaibigan ni Kendra si JM (Jack Miguel)
"Huh?!" Gulat na sagot ko
Di na nya nagawang sumagot hinatak nya ako patayo at dinala kung saan nakiki pag away si Jack. Maraming nagkukumpulang tao sa Soccer Field. Lahat sila ay nakiki isyoso kung ano ba ang nangyayari.
"Excuse me" I said
"My ghad!" Buladas ni Kendra ng makita nya ang kaaway ni Jack na puno ng dugo sa mukha. Maging ako man nagulat sa aking nakita. Napatakip nalang ako ng bibig dahil wala akong masabi. Ganito na talaga siya?
Nakakatakot.
"Kawawa naman sya" ilan lang yan sa mga bulong bulungan ng mga studyante.
"Oo nga! Wala talagang puso ang lalaking yan!"
Isang tadyak pa sa mukha ang ibinigay ni Jack.
"Please stop! Im begging you" pagmamakaawa ng lalaki.
Naghiyawan ang ibang tao ang iba naman ay tulad kong awang awa sa lalaki. Wala ni isa ang gustong pumagitna sa away nila marahil ay sa takot. Inalis ko ang pagkakahawak ni Kendra sa kamay ko.
I had enough. I can't let him end up being a murderer.
"Where are you going?!" Tila alam na nya ang aking gagawin.
Naglakad ako papunta sa gitna kung saan naroroon si Jack at ang nanghihina na lalaki.
"Baliw ba sya! Bakit nilapitan pa nya si JM!"
"Omygosh!"
"What the hell"
He's looking at me or should I say he's glaring at me.
Nilakasan ko ang loob ko kahit konting konti nalang ay mabubuwal na ako dahil sa panginginig ng aking tuhod.
"Stop please" Nanginginig ang labi ko habang pinakikiusapan ko si Jack.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
Storie d'amoreWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...