Chapter 24

11.1K 319 14
                                        

Mag gagabi na ng maka balik kami ni Jack sa cottage. Nadatnan namin silang nag aayos ng pagkain sa mesa at naglalabas ng alak.

"San kayo galing?" Tanong ni Aly pagkakita nya saamin.

Napakamot ako ng batok dahil sa hiya. "Dyan lang"

"They look happy kanina. Piggy ride pa more" pang aasar ni Charlene.

Napangiti nalang ako dahil sa kabaliwan nila.

"Miguel! Lets drink! No KJ allowed please!" Natatawang wika ni Scott.

"Sure" sagot naman sakanila ni Jack.

Nag paalam muna ako saglit para umakyat sa itaas para maka pag palit ng damit.

Yung puso ko, hinawakan ko ang dibdib ko ang bilis ng pintig ng puso ko.

Binilisan ko ang pagpapalit ng damit para maka baba agad.

"Whooo! Lets play Truth or Dare!" Yaya ni Yllene.

Isa isa kaming umupo para maka buo ng pabilog na hugis. Katabi ko si Jack at si Keizer.

"Zild!" Napalingon lahat kami sa may pintuan. Bigla nalang dumating si Zild, may bitbit itong dalawang paper bag na malaki. Tumayo si Keizer at nilapitan ang kuya Zild nya. Kinuha nya ang bitbit ni Zild at ipinatong sa mesa.

"Dala mo na ba lahat?" Tanong ni Keizer sa kuya nya habang inaayos nya ang mga lunch box sa mesa.

"Yeah" tamad na sagot nito.

Napako ang tingin nito saakin, bigla nalang akong nailang kaya nag iwas na ako ng tingin.

"They ate all the food here kaya kinailangan pa namin. You know girls right?"

Nakatanggap ng isang batok si Gabriel kay Yllene dahil sa sinabi nya.

"Ouch babe! You're hurting me!" Pagdadrama pa nito.

Natawa nalang ako sa pag babangayan nila.

"Come here Kuya Zild! Why dont you join us?" Naka ngiting pagyayaya ni Catherine.

Napayuko ako, ayoko ng presensya nya pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari kapag nandyan sya.

"She's right." Pag sang ayon ni Scott.

Na estatwa ako sa kinauupuan ko dahil saakin tumabi si Zild.

"Are you okay?" Bulong saakin ni Jack.

Nagtitigan kami ni Aly na para bang alam nya ang nararamdaman ko.

"Ah oo. Medyo masakit lang ang ulo ko" palusot ko.

"Okay lets start! But lets change the game para may thrill. No more truth. Dare lahat okay?! No KJ please." Hiyaw ni Charlene.

Tumango lahat kami.

They start to spin the battle and tumigil ito sa dereksyon ni Gabriel.

"This is fun!" Natawa ako dahil for sure pagtritripan na naman nila si Gabriel.

"I dare you to do the Lap dance with your girl naked" utos ni Earl.

"Earl! Its unfair you know!" Protesta ni Yllene.

Ngumisi si Gabriel. "Sobrang easy naman"

Nag start na si Gabriel, dahan dahan nyang inalis ang damit nya.

They play a music.

Nabigla ako ng bigla nalang inilagay ni Jack ang palad nya sa mga mata ko.
Tinakpan nya ang mata ko para hindi ko makita ang gagawin nila.

"Jack! Ang KJ mo naman!" Rinig kong protesta ng iba.

Hinayaan ko lang si Jack sa ginawa nya. Ayoko rin naman makita.

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon