"Yh. Ano ba. Lumayo ka nga ng konti!" Inis na suway ko sakanya. Sobrang lapit kasi nito saakin.
"Are you crazy? We are in the middle of photo shoot for petes sake!" Di maka paniwalang sagot nya
Inirapan ko na lamang sya, geez. Paano ako makaka pag concentrate kung naiilang ako kapag nag didikit ang mga balat namin. Like hello, damn. Bakit ba sya pa? Andami naman ibang models dyan.
"Ms. Lopez may problema ba?" Tanong saakin ni Sir. Damion.
"Ms Lopez? It's Mrs. Hemsworth" Jack whispher in my ear.
Pa simple ko syang siniko. "Tumigil ka nga" inis na suway ko sakanya.
Nahihiya akong tumingin kay Sir Damion "Wala po sir. Let's continue"
Ang next shot na kukunan nila ay naka yakap saakin si Jack mula sa likuran ko. Its a back hug.
My ghad! Para na akong maiihi dito sa kaba. Di ko alam kung saan ako lilingon. Pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko.
Ayoko naman mapahiya ulit sa harapan ni Sir Damion kaya inayos ko na.
Sunod sunod pa ang shot na kinunan nila, nangangawit na ang panga ko kaka smile. Feel na feel naman ng lalaking katabi ko.
Yung last shot na kukunan nila ay sobrang naka pamula sa mukha ko.
Naka dikit ang noo namin ni Jack at nakahawak ang isa nyang kamay sa pisngi ko.
Para akong maduduling dahil titig na titig ito saakin.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nyang idinikit ang labi nya sa labi ko.
"NICE SHOT!" Rinig na rinig ko ang sigawan at hiyawan ng mga tao sa paligid.
Parang saglit na huminto ng oras dahil sa ginawa nya.
Lahat ng nangyari noon bigla nalang bumalik saakin.
Wala na sa harapan ko si Jack, nakatulala pa rin ako habang hawak hawak ko ang dibdib ko.
Bakit ang bilis ng tibok?
Parang kinikiliti ako sa tyan ng libo libong paru paro.
"Audrey! Ano yon ah? Ano yon?" Bumalik lang ako sa wisyo ko dahil sa pagdating ni Georgina.
"Stop it" naiiritang suway ko bago ko sya lagpasan.
"Audrey that was the nice shot we had!" Di mawala wala ang ngiti sa mukha ni Sir Damion.
Pinilit kong ngumiti, ayoko naman na mahalata nila na may something saamin ni Jack.
"Salamat po" magalang na sagot ko.
"You two look great together!" Natigilan ako sa sinabi ni Sir Damion.
"Really sir?" Naka ngising tanong ng kakadating lang na si Jack.
Lihim na sinamaan ko ito ng tingin.
Wala sa usapan na hahalikan nya ako!
Nakakairita.
Gustong gusto ko syang sampalin dahil sa ginawa nya.
"Yes. May chemistry kayo" natatawang sagot naman ni Sir Damion.
Naiyukom ko ang aking kamao sa inis.
"Sir may boyfriend na po ako" naka ngiting sagot ko, natigilan ito at naiilang na ngumiti.
Napakamot din sya ng batok "Ah oo. Si Zild nga pala. Hehe. Sorry. But you two really good together"
Lumapit sa tabi ko si Jack at inakbay ako.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
RomanceWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...
