Nabitawan ni mommy ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Natulala ito.
"Mommy .." pagtawag ko sa atensyon nya.
Napansin ko ang pamumutla nito kaya iniabot ko sakanya ang isang basong tubig.
Ininom naman nya iyon.
"Anong naging reakyon ng daddy mo nang makita ka nya?" Tanong ni mommy saakin.
Napa buntong hininga ako, hinawakan ko ang kamay ni mommy
"Hindi na po natin dapat iniisip si daddy masaya na po sya sa buhay nya ngayon mommy." Malungkot na sambit ko
Nalulungkot ako pero kahit papaano ay may saya akong nadama dahil nakita ko na si daddy. Atleast alam ko na okay sya. Kahit hindi nya kami iniisip oh kinakamusta man lang. Kami, kahit isang saglit hindi sya nawala sa isipan namin ni mommy.
Ngumiti si mommy pero hindi iyon abot sa mga mata nya.
"Paano na si Yzza?"
Nagkibit balikat ako "Hindi ko po alam mommy. Pero alam ko maiintindihan nya din po ito tulad nyo"
Lumapit si mommy saakin at niyakap ako ng mahigpit. Yung yakap nya na pumapawi sa lungkot na nadarama ko.
"Basta tandaan mo anak nandito lang ako palagi, kami ng Tita Aileen mo. Kung may problema ka wag kang mag dadalawang isip na umuwi dito sa bahay natin. Mahal na mahal kita anak pasensya kana kung lumaki kang walang ama. Nandito naman ako pupunan ko lahat ng pagkukulang nya"
Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para pigilan ang luha ko na nagbabadyang tumulo.
"Thank you mommy. Mahal na mahal ko din po kayo. You will always be enough for me, mommy"
Kinagabihan sinundo na ako ni Jack sa bahay ni mommy. Seryoso ang mukha nito habang nag mamaneho. Di ko na magawang magtanong kung saan sya galing. Binuksan ko ang binta ng sasakyan, pinagmasdan ko ang kalangitan puno ng bituin. Napaka gandang tignan.
Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin. Kahit sandali lang gusto kong makasama si daddy makausap kung bakit nya kami iniwan kung bakit hindi nya kami binalikan ni mommy. Pero may isang parte saakin na nagsasabing hayaan ko na si Daddy dahil masaya maman sya na wala kami ni mommy.
Minsan naiisip ko bakit parang ang unfair ng buhay?
Kung sino pa ang mga taong nangangailangan sila yung wala.
"How are you?" Napalingon ako kay Jack dahil sa tanong nya.
"Okay na ako salamat dun sa Ice cream na ibinili mo" napayuko pa ako dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
Naninibago pa rin ako sa mga ikinikilos nya. Mahinahon at hindi nya kasi ako sinisigawan ngayon.
Itinigil nya ang sasakyan sa harap ng bahay. Bubuksan ko sana ang pinto pero inunahan nya ako.
Hinatak nya ako patayo at niyakap ng mahigpit.
"Good to hear. Im dying to do this. A man like him doesn't deserve your precious tears. So dont cry again its not your lost. Someday he will realize everything he had done to your mom and you. Just wait for that moment. But for now, stop crying cheer up. I hate it everytime I see you crying. You know what? I realize how Jerk I am for making you cry, for hurting you, for yelling at you. I feel sorry for everything but one thing for you I still love you every second of my life and who cares if you married me for the sake of money? I have a lot, so I think I can share it with you"
Wala akong masabi, all this time ganyan para ang nararamdaman nya. Akala ko puot at galit nalang ang tanging nararamdaman nya para saakin.
Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko. Sign na umiiyak sya.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
RomantizmWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...
