"I love you but why do you need to do this? Its hurt thinking that you just need to marry me because of my mom money. I hate myself for hurting you Eingrid"
Nagising ako dahil sa isang boses, gusto kong imulat ang mga mata ko pero di ko kaya. Hinayaan ko lang syang hawakan ang kamay ko
"Ang akala ko mahal mo ako, akala ko totoo lahat ng pinapakita mo. Kaya ba dumating ka noon dahil pinakiusapan ka ni mommy? Alam mo ba na sobrang naapakan ang pagkatao ko. Mahal mo lang ako dahil sa pera"
Pumatak ang luha sa aking pisngi, di ko kinaya.
Binuksan ko ang mga mata ko, tumayo si Jack at nag iwas ng tingin.
Tatayo sana ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking tagiliran
"Dont stand up" malamig na tugon ni Jack.
I cried "I love you so much and it hurts"
Nanatili lang syang nakatalikod saakin, napakagat ako sa ilalim kong labi dahil ayoko na marinig nyang umiiyak ako
"Jack let me explain" pakiusap ko sakanya.
"You dont have to. Ready yourself, we will get married 2 days from now" malamig na tugon nya na ikinagulat ko ng husto.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
"Bakit mo ba ginagawa saakin to?" Sumbat ko sakanya.
Mabilis syang humarap saakin.
"You want this Eingrid. Nakalimutan mo na ba na naki pag kasundo ka kay mommy?" Naka ngising tugon nya.
"Alam ko pero hindi pa nagigising si mommy" pagdadahilan ko na sinuklian nya ang isang malutong na tawa
"That's not my problem anymore"
"Please" i beg him.
Dinaanan nya lang ako ng tingin
"Pinaniwala mo ako na mahal mo ako. Wala kang kwentang tao"
Padabog nyang isinara ang pinto ng kwarto.
Kinagabihan pinayagan na akong umuwi dahil hindi naman ganon kalalim ang sugat na natamo ko, sobrang nag alala pa si Tita Aileen dahil sa nangyari.
Hindi ko man masabi sakanya ang totoo alam kong alam nya ang dahilan.
Ayoko na kasing dumagdag pa sa iniisip ni Tita Aileen.
Di pa rin nagigising si mommy hangga ngayon. Kung nandito lang sana si daddy hindi kami mahihirapan.
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi.
Kailan ba mauubos ang luha na to.
Sawang sawa na akong umiyak
Pakiramdam ko mahina ako.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko.
Bakit ba sunod sunod nalang ang kamalasan na nangyayari saakin.
Una si mommy pangalawa si Jack pangatlo ang kasal.
"Dinner is ready!" Rinig kong sigaw ni Kendra mula sa kusina.
Sinamahan nya ako ngayon dahil wala akong kasama. Im so thankful dahil kahit papaano may nakakaramay pa rin ako.
Inilapag ni Kendra sa harapan ko ang pagkain na iniluto nya.
Nameywang sya sa harapan ko habang naka taas ang isa nyang kilay.
Para bang ipinapahiwatig nya na may masamang mangyayari saakin kapag hindi ako kumain
"Im still full" pagtanggi ko
Umupo sa tabi ko si Kendra
"So anong gusto mo? Magpakamatay ka?" Naka taas kilay nyang wika.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
रोमांसWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...
