"Yohooooo!" Sumigaw ako sa tuwa dahil nasa bundok na kami.
Tulad ng ipinangako ni Jack sinulit namin yung 1 week na makakasama ko sya.
Noong isang araw pumunta kami sa Enchanted Kingdom pagkatapos ay naglibot kami sa Baguio. Sinusulit namin ang bawat sandali na magkasama kami. Kahit nakaka lungkot man isipin kailangan nyang umalis pero alam ko naman na para sa companya nila iyon.
"Ang ganda!" Namangha ako sa tanawin.
Ngayon lang kasi ulit ako naka akyat ng bundok after how many years.
"You like it?"
Sunod sunod ang ginawa kong pagtango.
"Will you miss me when Im gone?"
Napalingon ako sakanya dahil sa tanong nya.
Bakit pakiramdam ko may ibang kahulugan ang sinabi nya.
Para bang mawawala na sya.
"Ano ka na! Babalik kapa naman hindi ba? May skype naman" naka ngiting sagot ko.
Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit.
Parang takot na takot syang bitawan ang kamay ko.
"I love you Eingrid" seryosong sambit nya na nagpa lukso sa aking puso.
Ngumiti ako ng pagka tamis tamis "Mahal din kita Jack"
Pagkatapos naming magpahinga napagpasyahan nana ming bumaba dahil may pupuntahan pa daw kami.
"Anong oras yung alis mo bukas?"
"12 am" maikling sagot nya.
"Jack! Kain tayo nun please?" Di ko na sya hinintay sumagot tumakbo na ako papunta sa nagtitinda ng street foods.
Medyo nakalayo na kami sa bundok.
"DONT RUN!" Rinig kong sigaw nya.
Kumuha ako ng 10 pisong squid ball, fish ball at dalawang qwek qwek.
"Kuya eto po ang bayad" inabot ko ang bayad ko sa tindera.
Kumusta na kaya si Kuya Boggard?
Bigla ko tuloy naalala nung unang beses kong nakasama si Jack.
Kumain din kami ng ganito sa likod ng school nun. Nakaka miss lang noong panahon na parehas lang kaming estudyante, tanging grades lang namin ang inaalala namin.
Hindi tulad ngayon, sobrang laki na ng nagbago sa buhay na tinatahak namin.
Pagkalapit saakin ni Jack sinubuan ko sya ng squid ball.
"Sarap diba?" Naka ngiting tanong ko sakanya.
Nginuya nya muna ang nasa bibig nya bago sya sumagot.
Hinatak ko sya papunta sa bench para umupo.
"Yeah. I remember when the first time I saw you. You're eating this stuff and it made me realize na masarap pala yung pagkain na sinasabi nilang marumi"
Natigilan ako sa pagsubo ko,
"You mean kumain ka lang ng ganito dahil nakita mo kong kumakain?" Di maka paniwalang tanong ko.
"Yes, its kinda weird but Its the first time my heart beat for you. To a simple girl like you na wala na atang ibang ginawa kundi kumain ng kumain" natatawang tugon nya na ikinalaki ng mga mata ko.
Napakamot ako ng batok sa hiya. Kaya pala lagi akong di mapakali noon tuwing kumakain ako dahil may nagmamasid saakin.
"Hindi ah! Nagkataon lang na kumakain ako kapag nakikita mo ako" depensa ko.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
RomanceWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...
