Chapter 50

10.3K 255 16
                                        

"Bruha ka! May pa alis alis ka pang nalalaman buntis ka pa pala! You fooled us!" Sermon saakin ni Georgina pagkakita namin.

Kinwento ko na lahat sakanila ang nangyari, tanging si Jack nalang ang walang alam.

I dont know how to say this to him, alam ko sobrang unfair sa part nya ang bagay na to.

Kaya natatakot ako sa magiging reakyon nya.

I still miss him after he had done to me. And it's messed up I know. But that's what love has done to me.

Nagkita kita kami sa mall ngayon para kumain.

Ayoko sanang pumunta dahil nahihiya ako, pero pinilit ako ni Kendra.

Like me, may mga anak na din ang mga to. But they are not here. Nag aaral na sila.

"We understand you naman" sagot ni Aly.

Nginitian ko ito.

"I know Jack will understand your part" pagpapagaan ng loob ko ni Scott.

Im so thankful dahil naintindihan nila ang ginawa ko.

"Mommy is that a boy or a girl?" Biglang buladas ni Jackylyn dahilan para matigilan lahat kami sa ginagawa namin.

Itinuro nya si Georgina.

"I am a girl!" Napipikon  na sagot ni Georgina sa anak ko.

"But you dont have a boobs" inosenteng sagot ng anak ko.

Sabay sabay lahat silang nagtawanan dahil sa sinabi ng anak ko.

Kahit kasi bakla si Georgina hindi sya nagsusuot ng pambabaeng damit.

"Damn! You're so cute Jackylyn!" Naki pag apir si Gabriel sa anak ko.

"Amp! Ilayo mo yang anak mo saakin!" Inis na sigaw ni Georgina.

"Im just telling the truth" laban ng anak ko.

"Hmp! Kung hindi ka lang maganda itinapon na kita sa ilog!"

"Papa Zild!" Umalis sa tabi ko si Jackylyn at tumakbo papunta sa tabi ni Zild.

"Papa? Oy h--"

Hindi natuloy ni Gabriel ang sasabihin nya dahil sa binatukan sya ni Earl.

Kahit kailan talaga.

"Ouch!" Hinimas himas nya ang nasaktan nyang ulo.

"Yung bibig mo talaga kahit kailan!" Sermon sakanya ni Keizer.

"Yllene oh" paghingi nito ng saklolo sa kanyang asawa.

Dinilaan lang sya ni Yllene.

Pumayag si Zild na tawagin syang Papa ng anak ko.

Nalulungkot ako para sa anak ko, hindi ko pa kasi kayang ipakilala sakanya ang totoo nyang ama.

Alam ko mahirap para sakanya ang lumaki na walang ama.

"You should tell Jack about this" bulong ni Kendra saakin.

Nag kibit balikat lang ako.

"What do you want little girl?" malambing na tanong ni Zild sa anak ko.

"Hmmm. I want Ice cream!" Bibong sagot ng anak ko.

"Mag asawa kana kasi!" Biglang buladas ni Catherine na ikinatahik ni Zild.

Nagtitigan kami saglit, ako na ang unang nag iwas ng tingin.

"It can wait" maikling sagot nito pero sa anak ko pa rin naka tingin.

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon