Chapter 31

10.2K 290 13
                                        

Napa igting bagang si Jack, bigla nalang nagbago ang expression ng mukha nya.

"Babyy!"

Nakita kong papalapit si Zild mula sa likod ni Jack.

Lumingon si Jack, natigilan sa paglalakad si Zild dahil sa nakita nya. Bakas sa mukha nito ng gulat.

"B-abe!" Nauutal na sambit ko bago sya lapitan.

Humawak ako sa braso nya, di ko magawang lumingon kay Jack. Natatakot akong makita kung ano ang magiging reaksyon nya.

"Baby? Babe? So its true? You're inlove with each other?" I feel the anger in his voice.

Hinawakan ni Zild ang kamay ko ng mahigpit.

"Yes. By the way its nice to see you again dude" naka ngising tugon ni Zild bago nya ako hatakin palayo doon.

Parehas kaming natigilan ni Zild sa susunod na sinabi ni Jack.

"Im still your husband Eingrid" ramdam na ramdam ko ang pag ngisi nya.

Humarap ako sakanya at ngumiti ng pagkatamis tamis "My ghad Jack! You still have the guts to say that huh? Ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo? Kasal lang tayo sa papel. And who cares if you're still my husband in paper? Does it make any sense? I am happy and contented with Zild now. So back off Jerk"

I take a last glimpse of him bago kami umalis, pain is written all over his face.

What was that for?

Mabibigat ang hiningang ibinubuga ni Zild.

I feel the tension.

"Hey babe" malambing na tawag ko sakanya.

Tumigil kami sa harap ng sasakyan nya.

"Bakit nandito sya?" Ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibitawan nya.

Di ko alam kung paano ko sya kakausapin pero mas pinili ko nalang na yakapin sya ng mahigpit.

Alam ko natatakot lang sya na baka mawala ako sa tabi nya dahil nandyan nana man si Jack.

Kahit ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bigla nalang nanlambot ang tuhod ko ng makita ko sya.

"Babe naman. Chill okay? Papangit ka nyan" pag papagaan ko ng usapan.

Naramdaman ko ang pagyakap nya saakin.

Yung yakap na para bang takot na takot syang mawala ako.

"Im scared" mahinang bulong nya.

Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko.

"Yieh! PDA much huh?" Buti nalang ay biglang dumating si Georgina. Saktong sakto ang pagdating nya.

"Uwi na tayo" pagyayaya ko sakanila.

"Hatid mo na si Audrey papa Zild kakausapin ko lang si Sir Damion" paalam ni Georgina.

Pagod na pagod akong humilata sa upuan ng sasakyan ni Zild. Its been a long tiring day

"Lets not talk about him okay" alam ko kasi na magtatanong sya tungkol kay Jack.

Narinig ko syang nag buntong hininga.

"Did you eat your dinner?"

Ngumuso ako "Not yet. Im hungry"

Pinaandar na nya ang sasakyan,
"Punta tayo sa condo mo? I want to eat! Please cook for me" pagmamakaawa ko.

Para kasing gusto kong kumain ng luto nya. Marunong kasing magluto si Zild unlike Jack wala na atang ibang alam gawin kundi ang mag pasarap.

Ipinilig ko ang ulo ko, bakit ko ba sila pinag kukumpara.

Natawa ng bahagya si Zild "Silly"

11 pm na nang makarating kami sa condo unit ni Zild. Nag text na ako kay Mommy na hindi ako uuwi ngayon.
Gusto kong makasama si Zild ngayon, ayoko mag isip sya ng kung ano ano.
Hindi si Jack oh kung sino man ang makakasira sa relasyon namin.

"I'll take a bath first!" Sigaw ko mula sa kwarto ni Zild.

Dahil lagi akong nandito, may gamit na ako. Kaya feel at home na. Natatawa nga ako minsan dahil parang mag live in na kami. Habang naliligo ako bigla na lang sumagi sa isipan ko si Jack.

Ano bang gusto nyang mangyari

Bakit bigla nalang syang bumalik kung kailan okay na ako.

Paglabas ko ng kwarto gumuhit sa ilong ko ang mabangong amoy na.

"Dinner is ready!" Naka ngiting wika ni Zild.

"Whooo! You never fail my tummy!"

Umupo na ako, di ko na hinintay sumagot si Zild nilantakan ko na ang pagkain na nasa harapan ko.

"Dahan dahan lang di naman mauubos yan e" natutuwang suway ni Zild.

I pout my lips. "Thank you babe"

"You've change a lot" nabigla ako dahil sa sinabi nya.

Umupo sya sa harapan ko at seryosong tumingin saakin.

"You became brave, you're not the old Audrey anymore. You always smile and joke around. I remember when the first time I met you sobrang tahimik at mahiyain mo. But believe me Im happy for you"

Did I change?

Yeah maybe, I change because Im afraid to get hurt again.

Im tired of being kind, they dont deserve my kindness.

"Thank you for letting me love you."

Napapikit ako dahil akala ko ay hahalikan nya ako sa labi.

I feel his lips touch my forehead. What a sweet boyfriend.

"You deserve my love. You deserve everything you have right now babe. Im so thankful because you show me the real meaning of Love. Thank you for helping me to get over my past."

Im not sure what the future holds but hanggat nandito si Zild sa tabi ko alam ko kaya ko.

Pagkatapos naming kumain natulog na kami dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Another photo shoot tomorrow with Jack. That jerk.

Still, I know may konting space pa si Jack sa puso ko. Ewan ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Siguro nga, natakpan lang ng galit ang nararamdaman ko para sakanya noon.

Kinabukasan hinatid ako ni Zild sa studio kung saan kami mag phophoto shoot.

Sinalubong ako ng napaka ingay na bunganga ni Georgina.

"Dyosa!" Hinatak nya ako papunta sa backstage kung saan ako aayusan.

"Ang gwapo gwapo ni Jackyy baby!" Nag titili pa ito.

I roll my eyes. "Anong gwapo? Nakikita mo ba sya? Para syang kapre sa sobrang tangkad nya"

Hinampas ako ni Georgina sa pamaypay na hawak nya.

"Sinampal mo daw sya kahapon?" Di maka paniwalang tanong nya.

Nagkibit balikat lang ako.

"Chika mo naman saakin. Bakit mo sya sinampal?"

"Ang bastos nya kasi" reklamo ko.

"Kala mo kung sinong gwapo, nakita mo ba ang itsura nya? Para syang kapre. Kung pwedi lang pumatay ng tao pinatay ko na sya! Naiirita ako sa mukha nya!" Tuloy tuloy na sambit ko.

Bigla nalang natahimik si Georgina.

"Nangyari sayo? Bakit namutla ka bigla?" Nagtatakang tanong nya.

Para syang matatae.

Ngumuso sya sa likuran ko.

Dahan dahan akong lumingon at halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa lalaking napaka sama ng tingin saakin.

Si Jack.

"Kapre pala ah?"

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon