Chapter 30

10.2K 298 25
                                        

Mabilis na lumipas ang araw, linggo at buwan.

Isang taon na kami ni Zild.
At first akala ko hindi mag wowork ang relationship namin. But I was wrong, ipinakita nya saakin kung gaano nya ako ka mahal. I never regret giving him a chance to be part of my life.

Isa lang ang masasabi ko, unti unti na nyang napapalitan si Jack sa puso ko.
Yung sugat na iniwan ni Jack ay unti unting humilom. I know someday masasabi ko na tuluyan na talagang napalitan ni Zild si Jack sa puso ko.

"Babyyy" humalik si Zild sa pisngi ko.

May lunch date kami ngayon, tumakas lang ako saglit kay Georgina para maki pag kita kay Zild. Im sure mahaba habang sermon na naman ang aabutin ko sakanya. Kanina pa nga ako nag hihintay kay Zild sa isang malapit na resto kung saan kami nag shoshoot.

"Sorry I was a little bit late. Medyo natagalan kasi ang meeting namin" paumanhin nito.

Ngumiti lang ako, naiintindihan ko naman sya. Minsan di ko rin naman mabigay sakanya ng buo ang atensyon ko dahil sa trabaho.

"So how are you baby?" Malambing na tanong nito.

Hinawakan ko ang kamay nya na naka patong sa mesa.

"Dapat ata ako ang mag tanong sayo nyan Mister. Sobra mo naman atang minamahal yang trabaho mo. Cant you see your face? May dark circle kana sa ilalim ng mga mata mo. Namayat ka na din" sermon ko sakanya.

He chuckle "Im still handsome right?" Biro nito.

Ibinato ko sakanya ang table napkin.

"Im serious!" Inis na tugon ko.

Tumabi sya saakin at niyakap ako "Pag nakikita kita nawawala lahat ng pagod sa katawan ko. Why dont we take a leave? Kahit 1 week lang" suggestion nito.

Marami pa akong trabaho na gagawin. Sunod sunod kasi ang natanggap kong project kaya halos wala na akong pahinga.

"I cant. Sobrang busy ng sched. ko" mahinang sambit ko.

Mabilis na nagbago ang expression ng mukha nito. Inalis nya ang pagkakayakap nya saakin, bumalik sya sa upuan nya.

"Okay" maikling tugon nya.

Napa buntong hininga ako, parang alam ko na kung saan nana man mapupunta ang usapan na to.

"Look zild, I can't hang out with you marami akong projects na tinggap. I promise I will make it up to you"

Ngumiti sya, pero hindi iyon abot sa kanyang mga mata.
"Its alright baby"

Kahit hindi nya sabihin alam ko na nagtatampo sya saakin.

"Hey cheer up babe! Babawi ako sayo promise!" Itinaas ko pa ang left hand ko tanda na nangangako ako.

Natawa sya sa ginawa ko, kinurot nya ang pisngi ko.

"Ouch" reklamo ko. Hilig nya talagang kurutin ang pisngi ko.

"I understand your part baby. My famous Queen" pagbibiro nito.

Famous, yeah. Kilala na ako sa buong pilipinas bilang isang sikat na model. Kahit saang mall ka pumunta may picture ako na makikita mo.

I didn't imagine na magiging ganito ang takbo ng career ko. Im so thankful.

"You know what, everytime na may board meeting kami lagi kang laman ng usapan. Kahit yata saan ako pumunta kilala ka na nila. Yung girlfriend ko sikat na sikat na." Pagmamayabang nito.

Wala na siguro akong mahihiling pa. Kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon.

"Come on lets eat na. Kanina pa tunog ng tunog yang cp mo for sure hinahanap kana ni Georgina"

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon