Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng naging away namin ni Jack.
Dalawang linggo na rin syang hindi pumapasok. Di ko maiwasan na hindi mag alala dahil hindi ko pa sya nakikita. Sa mga panahon na wala sya pakiramdam ko kulang ako. Di ko maitatangi na namimiss ko na sya.
Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil alam ko kasalanan ko kung bakit di sya pumapasok.
Nasaktan ko sya,
"Thinking about him again?"
Napabuntong hininga ako at umupo sa tabi ni Deither. Sya na ang laging kasama ko simula ng nangyari.
Unti unti ko rin nakikilala si Jack, sobrang laki ng pagkakaiba ni Jack kay Deither.
Si Jack seryosong tao, madalang ngumiti at kinatatakutan ng lahat.
Si Deither kabaligtaran ni Jack palagi syang naka ngiti at hinahangaan sya lahat ng estudyante. Hindi katulad ni Jack sobrang hirap nyang basahin at unawain.
Bakit ko nga ba sila pinagkukumpara.
"Yes. Kumusta na ba sya?" I looked at him but he look away.
Pakiramdam ko may tinatago sya na dapat kong malaman. Sa tuwing tatanungin ko sya tungkol sa kapatid nya. Mag iiwas ito ng tingin o di kaya ay papalitan nya ang usapan.
Napabuntong hininga ito "Why are you asking about him every day were together? This is me Eingrid. Can you just focus on me?"
Nabigla ako sa sinabi nya, ako lang ba oh pati kayo naramdaman nyo na may ibang laman ang sinabi nya.
"Pardon?"
"Forget about it. Jack is fine. He just need to rest"
Tumayo sya at kinuha lahat ng gamit nya. "I have to go. May gagawin pa ako. Take care"
Gusto man syang puntahan sakanila ay di ko magawa dahil nahihiya ako. Pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap sa mommy nya.
Naglakad lakad ako sa loob ng university para kahit papaano ay maibsan ang pagka miss ko kay Jack.
Sa aking paglalakad nakasalubong ko si Yves. Yumuko ako at nag iwas ng tingin, until now di pa rin ako kinakausap ni Yves after what happend. Pakiramdam ko ako yung sinisisi nya kung bakit sinaktan sya ni Jack.
Lalagpasan ko sana sya ng bigla syang magsalita.
"Hi" medyo naiilang na bati nya.
Kahit nalilito ako sa biglaang bati nya ay nagawa ko pa ring ngumiti.
"Hi" masayang bati ko.
Niyaya nya akong kumain sa cafeteria, ayoko sana sumama sakanya ngunit pinilit nya ako.
"Im sor--"
Pinutol nya ang sasabihin ko sana. Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa mesa "Don't say sorry again okay? I should be the one who need to apologize. Sorry kung iniwasan kita noon, akala ko kasi yun ang tama. Natakot ako na baka saktan nya ako ulit kapag nakita nya ako na kasama kita"
Ngumiti ako sakanya "Its okay. Naiintindihan ko naman"
Pagkatapos naming kumain ni Yves umalis na ito dahil may practice pa sila ng basketball.
Papasok sana ako sa Cr ng bigla nalang tumunog yung cp ko
Tita Aileen Calling ...
"Hello po tita?"
"Iha! You need to go home! Come here at makati med. Inatake ang mama mo!"
Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
RomanceWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...
