Hi! This chapter is dedicated for the beautiful girl name @CatherineDantes! :)
--
"UMALIS KA SA HARAPAN KO! NAIIRITA AKO SA PAGMUMUKHA MO!"
Napapikit ako ng mariin, kinuha ko ang pagkain na inilapag ko sa mesa. Sasabay sana akong kumain sakanya pero isang malakas na sigaw lang ang isinukli nya. Sa loob ng isang taon na ikinasal kami he got worst than I thought. Nagbago ang lahat pagkatapos ng nangyaring iyon.
Sa paglipas ng panahon sobrang daming nangyari at marami din nagbago.
Yes, ikinasal na kami. The day after Deither ask me to come with him we got married.
I declined his offer. I decided to stay with Jack. Akala ko kasi ito yung makakabuti para sa lahat, para kay Jack.
Pero bakit parang lalo lang syang lumala? Ni hindi nya ako pinapayagan lumabas sa bahay. Kahit pagsabay sa pagkain ay di ko magawa.
Lagi nya akong sinisigawan. Sinasaktan emotionally at pinagsasabihan ng kung ano anong masasakit na salita. Tiniis ko lahat ng to sa loob ng isang taon dahil kailangan. Tiniis ko lahat ng masasakit na salita na ibinabato nya saakin. Ang pang aapak nya sa pagkatao ko. Kahit napaka hirap nyang pakisamahan. Pinilit kong mag stay sa tabi nya. Di ko maintindihan ang ugali nya, pa iba iba ang mood nya. Hindi ko alam kung iniinom nya pa ba ang gamot nya. Minsan pumapasok sa isipan ko kung sumama kaya ako kay Deither. Kumusta kaya ang buhay ko ngayon?
My mom got better, alam nya din lahat tungkol sa nangyaring kasalanan. Afcourse nung una nagalit sya pero later on natanggap nya din dahil wala na din naman syang magagawa.
Sabay kaming nakatapos ni Jack, sya nagtatrabaho ako sa bahay lang.
Nakakalungkot isipin na di ko man lang magamit ang aking pinagaralan. Alam ko kahit hindi sabihin ni mommy saakin ganun din ang nararamdaman nya.
Tahimik akong kumain sa kusina habang lumuluha. Gabi gabi umiiyak ako, ito lang kasi ang kaya kong gawin kapag wala sya. Di ko magawang umiyak sa harapan nya dahil magagalit lang sya. Sasabihin na naman nya na dinadramahan ko sya.
"Take a bath after you eat. Ayusin mo ang damit na isusuot mo ayoko mapahiya sa mga pinsan ko"
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi bago marahan na tumango.
Ibinagsak nya sa harapan ko ang plato na pinagkainan nya. Di ko na nagawa pang tapusin ang kinakain ko. Pumanhik na ako sa kwarto ko para maligo. Ayaw kasi nyang pinaghihintay ng matagal.
Napag pasyahan kong mag suot ng isang simpleng kulay bughaw na sleeveless dress tinernuhan ko iyon ng kulay puting sapatos. Kinulot ko ang ilalim ng buhok ko, nagpulbo ako at naglagay ng liptint. Baka sabihin na naman nya na mukha akong yaya.
"Let's go!" Rinig kong sigaw ni Jack mula sa labas ng aking silid.
Huminga ako ng malalim bago lumabas. Wala na akong naabutan sa baba marahil ay sumakay na iyon sa sasakyan.
Nadatnan ko sya sa labas ng bahay na preskong naka sandal sa kanyang sasakyan. Pagkakita nya saakin sumakay na agad sya ni hindi man lang nya ako pinagbuksan ng pinto. Kaya ako na ang gumawa ng mga bagay na di nya nagagawa para saakin.
Ano pa bang inaasahan mo Eingrid?
Sa passenger sit ako ako umupo.
Buong byahe tahimik lang kaming pareho ni Jack. Wala ni isang nagbalak magsalita saamin. San ba kami pupunta? Gusto ko sanang itanong ngunit wala akong lakas ng loob.
Ayokong mapahiya ulit at masigawan nya.
Tumigil kami sa harapan ng bahay ni Mama Yzza.
Bago kami bumaba nagsalita pa si Jack na ikinasakit ng damdamin ko.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
Storie d'amoreWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...
