"Anak! Nandyan na ang daddy mo!" Rinig kong sigaw ni mommy mula sa baba
Yes, dito na nakatira si daddy nag usap at nag ka ayos na sila ni mommy. Nasabi na din lahat ni Daddy lahat ng ito kay Mama Yzza. Syempre sa umpisa mahirap tanggapin parang yung nangyari lang saamin ni Jack.
Tatlong buwan na ang naka lipas pero sariwa pa rin ang sugat na iniwan nya though masasabi ko naman na naging maayos ang buhay ko simula ng araw na maghiwalay kami ng walang dahilan. Nagtrabaho ako sa company ni Daddy bilang isang model. Clothing company ang pag mamay ari ni daddy kaya kinailangan nyang humanap ng model. Nung una ayoko dahil hindi naman ako sanay sa ganitong trabaho.
I never think na ganito ang magiging bagsak ng career ko. But even though everything turn out like this masasabi ko naman na masaya ako.
Masaya ako kahit wala sya sa tabi ko.
Kinaya ko lahat.
Tinggap.
"Pababa na po!" Balik sigaw ko naman.
Nadatnan kong kumakain si daddy kasama si mommy.
"Goodmorning anak!" Naka ngiting bati saakin ni daddy.
"Goodmorning din po" humalik ako sa pisngi nilang dalawa.
I guess hindi pa naman huli ang lahat para sa pamilya namin. Nag hilom na nga siguro ang sugat na iniwan ni daddy kay mommy noon.
Alam ko darating din ang araw na maghihilom din lahat ng sugat sa aking puso.
Ding dong
"Ako na" presinta ni mommy.
Sino naman kaya ang pupunta ng ganito kaaga sa bahay.
"How's your work? Tell me anak kapag pinapahirapan ka nila okay?"
Ngumuso ako "Daddy naman parang sinasabi mo na sumikat lang ako dahil sayo. Wala naman pong trabaho na madali eh. Lahat ng bagay pinaghihirapan sa umpisa"
Marami akong natutunan sa mga lumipas na buwan na wala sya sa tabi ko.
Naging malaya ako sa mga bagay na gusto ko.
Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.
"Anak" tawag ni mama saakin mula sa pinto.
"Sino po ba yan mommy?" tanong ko sakanya.
Tumayo nalang ako para tignan kung sino ang bisita ko. Baka si Georgina, yung manager kong bakla. Ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa.
Paglabas ko nanlaki ang mga mata ko dahil sa lalaking nakatayo sa harap ng bahay namin.
Si Zild may bitbit na bulaklak at chocolate.
"Pasok ka iho" pagyayaya ni Mommy.
"Hi Audrey, flowers for you" iniabot nya saakin bulaklak na dala nya.
Ayoko naman na mapahiya sya kaya kinuha ko ang binibigay nya.
Sa loob ang tatlong buwan lagi syang pumupunta sa bahay laging nagdadala ng kung ano ano.
Minsan sinamasahan nya ako kung saan kami mag shoshoot.
Kahit hindi nya sabihin alam ko na may nararamdaman sya para saakin.
"Thank you. Pasok ka" naka ngiting sambit ko.
Papasok na sana kaming dalawa ng may bumusina. May tumigil na sasakyan sa harap ng bahay.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang bumaba sa sasakyan.
Si Deither!
Its been a years simula ng huling pag uusap namin.
Nabigla din ito dahil nakita nya si Zild.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
RomantizmWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...
