Chapter 18

12.3K 344 21
                                        

Warning SPG.
--

Mabilis na lumipas ang isang linggo okay naman ang naging pagsasama namin ni Jack. Minsan, hindi ko na sya maintindihan.

May time na sobrang sweet nya tas bigla nalang syang sisigaw. Napaka mainitin ng ulo ni Jack.

Nagaalala na ako sakanya dahil hindi na sya pumupunta sa psychiatrist nya. Wala na rin laman ang mga lalagyan nya ng gamot. Napapadalas na kasi ang pag iiba nya ng ugali.

Gusto kong kausapin si Mama Yzza pero wala akong lakas ng loob.

Simula ng naging away ni Mama Yzza at Jack hindi na ulit kami pumunta sa bahay ni Mama. Tinanggalan din nya ng karapatan si Jack sa mga bagay na konektado sya. Nung isang araw dumaan ang daddy ni Jack sa bahay. Di ko alam kung anong pinag usapan nila pero alam ko importante iyon dahil pinaalis nila ako nun.

Kasalukuyan kong naglilinis ng sala ng biglang tumunog yung cp ko. Ayoko pa sana itong sagutin dahil unknown number ang tumatawag.

Pero bandang huli napag pasyahan ko itong sagutin dahil baka importante.

"Hello?"

"Anak"

Nabitawan ko ang walis na hawak ko.

Lumukso ang puso ko dahil sa narinig ko.

Di agad ako nakasagot dahil sa gulat. Why is he calling me?

"Dad" halos bulong na sagot ko.

"Yes this is me Eingrid. Nandyan ba si Jack?"

"Wala po. Bakit po ba?"

Narinig kong humugot ng malalim na buntong hininga si Daddy sa kabilang linya.

"Are you busy? Can we meet now?"

Matagal bago ako nakasagot, wala kasi si Jack baka magalit sya sa akin kapag nalaman nya na umalis ako.

"Sige po."

Sinend saakin ni Daddy kung saan kami magkikita

Sa isang coffee shop malapit sa subdivision kung saan nakatira si Mama Yzza.

Nagbihis lang ako saglit, sumakay ako ng taxi.

Habang nasa taxi ako, di ko maiwasan ang hindi kabahan.

After many years ngayon lang kami ulit mag uusap ni Daddy. Wala ni isang na galit akong nararamdaman para kay Daddy. Mahal ko sya kaya kahit anong mangyari hindi ako magtatanim ng sama ng loob sakanya.

Hindi ako pinalaki ng ganun ni mommy.

Nasa entrance palang ako ay natanaw ko na si Daddy na may kasamang isang lalaki.

Nakatalikod saakin ito kaya hindi ko sya makita.

Pagpasok ko napatayo si daddy at sinalubong ako ng yakap. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa bigla.

"Anak, salamat sa pag punta" naka ngiting sambit ni Daddy.

Napalingon ako sa lalaking kasama ni Daddy.

Nanlaki ang mata ko dahil

"Yves?" Halos bulong ko nalang na sambit.

Ngumiti sya saakin. Anong ginagawa nya dito?

Umupo ako sa tabi nya, nasa harapan namin si Daddy.

"Oh. By the way anak, siya ang namamahala sa companya natin" diniinan ni Daddy ang pagkakasabi nya ng huling word.

Napa ahh nalang ako, naiilang pa din ako. Matagal na rin kasi simula ng huli kong makita si Yves at hindi pa maganda ang nangyari noon.

"Bakit nyo po ba ako pinatawag?" Deretsahang tanong ko

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon