Chapter 10: Decision

13.4K 419 16
                                        

Dalawang oras na ang nakalipas simula ng naging usapan namin ni Tita Yzza. Di pa rin maka pag sink in sa aking isipan ang mga binitawan nyang salita.

Bakit ba ganun lang kadali para sakanila na sabihin iyon. Pati ba ang kaligayahan natutumbasan na ng pera ngayon. Ayokong pakasalan si Jack dahil lang pera at pakiusap ng mommy nya.

Hindi biro ang pagpapakasal, bata pa kami pareho para pumasok sa ganoong sitwasyon. Hindi pa kami handa. Marami pa akong pangarap para saaming dalawa ni mommy. Ayokong matali sa isang relasyon na pinilit lang at pera lang ang dahilan.

Pagkatapos kong mag pahangin napag desisyonan ko nang pumasok.

Pagpasok ko nakasalubong ko si Tita Aileen na mukha na talagang problemado. Parang pinipiga ang puso ko sa mga nangyayari. Si Tita Ailene na ang parang tumayong pangalawang ina ko. Kaya alam ko na mahirap din para sakanya ang mga nangyayari.

Pagsubok lang ito, alam ko malalampasan namin lahat ito.

"Oh iha. Kumain kana ba?" Tanong nya saakin

Ngumiti ako ng tipid "Hindi pa po. Tita paano na si mommy? Mapapa opera ba natin sya?" Nag simula nang pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Niyakap ako ni Tita Aileen "Hindi ko alam iha, pero gagawin ko ang lahat para maoperahan ang mama mo kahit ibenta pa natin ang bahay" pag aalo nito saakin

Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap nya saakin. Kasabay ng pag iling ko ang walang tigil na pag agos ng luha sa aking mga mata.

"No tita. You don't need to do that"

"Mrs. Lopez!"

Sabay kaming napalingon ni Tita Aileen dahil sa tawag ng nurse.

"Inaatake na naman po ang pasyente. Kailangan nyo pong pirmahan ito para magawa na ang operasyon" Inilahad ng nurse saamin ang isang papel.

"Anong gagawin natin?" Umiiyak na tanong saakin ni Tita Aileen.

Kinuha ko ang ballpen na hawak ng nurse. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang ballpen.

Buhay ng nanay ko ang naka salalay dito.

Pumikit ako ng mariin bago ko pirmahan ang papel.

"Bukas na bukas babayaran natin lahat, tita"

Naiwan kaming dalawa ni Tita Aileen sa labas ng operating room. Kapwa hindi kami mapakali dahil sa kaba. Simula magkaisip ako.

"Saan ka kukuha ng pambayad?" Gulat na tanong saakin ni Tita.

Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti ako "Ako na po ang bahala tita"

May sakit sa puso si mommy. Kung ito lang ang tanging solusyon para mailigtas ko si mommy gagawin ko. Sobrang desperada na akong mailigtas si mommy.

I'm so sorry, Jack. Sana maintindihan mo ako.

"May pupuntahan lang po ako saglit" kahit may pag aalinlangan sa mga mata ni Tita Aileen hinayaan nya akong umalis

Lutang man ay nagawa ko pa ding makarating sa bahay nila Jack. Kinuha ko ang telepono ko at tinipa ang numero ni Tita Yzza.. Nakaka ilang ring palang ito ng sagutin ni Tita Yzza.

"Hello Iha!" masayang boses ang bumungad saakin.

Napakagat ako ng ilalim kong labi, di ko alam kung paano ko uumpisahan ang sasabihin ko.

"Hello? Hello?"

Napalunok ako ng tatlong beses bago ako magsalita.

"Tita, nasa harap po ako ng bahay nyo"malumanay na sambit ko.

"Really? Wait for me!" Batid ko sa tono ng pananalita nya ay masaya sya.

Nahihimigan nya siguro kung bakit ako pumunta dito. Lulunukin ko lahat ng dignidad ko para kay mommy. Handa kong isakripisyo ang sarili kong kasiyahan para sakanya

Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na pumatak sa aking pisngi ng maaninagan ko si Tita Yzza. Sobrang lawak ng ngiti nito habang naglalakad papunta saakin.

"Audrey!"

Niyakap ako ng mahigpit ni Tita Yzza.

"Isa lang naman ang ipinunta mo dito hindi ba?" Masayang tanong saakin ni Tita Yzza na para bang siguradong sigurado sya sa ipinunta ko dito.

Kinapalan ko na ang mukha ko
"Opo tita. Kailangan na kailangan ko lang po talaga" nagmamakaawang saad ko.

Ngumiti si Tita Yzza at hinawakan ang mga kamay ko "I already pay for the operation of your mom"

Kahit papaano ay natuwa ako pero di ko maiwasan ang di malungkot dahil parang niloloko ko lang si Jack.

Biglang tumamlay ang kaninang naka ngiting mukha ni Tita Yzza.

"Get in, he badly needs you"

I nod my head. Sabay kaming pumasok ni Tita Yzza sa mala palasyo nilang bahay sa sobrang laki. Parang isinasampal lang saakin kung gaano sila kayaman. Kung tutuusin piso lang para sakanila ang isang million. Bilib din ako kay Tita Yzza dahil kaya nyang gawin ang lahat para sa mga anak nya. Kahit sa maling paraan pa. Di ko masisisi si Tita Yzza dahil mahal na mahal nya si Jack kaya gagawin nya ang lahat para dito.

Sinamahan ako ni Tita Yzza sa silid ni Jack. Bumilis ng tibok ng puso ko habang naka titig ako sa pintuan ni Jack. Dalawang linggo na rin ang lumipas simula ng huli ko syang nakita.
Ano ba ang dapat na maging reaksyon ko kapag nagkita kami maya maya.

"Knock on the door if something bad happen don't hesitate to call me okay? I will stay at the kitchen. Thank you very much Audrey you don't know how happy I am right now"

Humalik si Tita Yzza sa pisngi ko bago sya bumaba. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kanyang silid.

Tumambad saakin ang napaka dilim na kwarto, kinapa ko ang switch ng ilaw at binuksan. Abot langit ang kaba ko pagkabukas ng ilaw.

Basag na baso, mga kaha ng sigarilyo. Pati mga gamot nya ay nagkalat sa sahig. Sobrang gulo ng kwarto nya parang dinaanan ng bagyo.

"I TOLD YOU DON'T ENTER MY ROOM WITHOUT MY PERMISSION!" Isang nakaka binging galit na boses ang nang galing sa banyo.

Nanginig ang tuhod ko dahil sa takot kung ano ang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ako dito. Dahil ang alam nya ay mag kasintahan kami ni Deither.

"Damn it wh---" di nya natuloy ang dapat sasabihin nya ng makita nya ako.

Napako ang tingin ko sakanya, halos madurog ang puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Gulo gulo ang napaka haba nyang buhok at may bigote na din ito, may maitim na bilog sa ilalim ng mata nya. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa Nanubig ang gilid ng aking mga mata ang laki ng ikinapayat nya

"Eingrid?"

Nginitian ko sya, naglakad sya papunta saakin at niyakap ako ng mahigpit kulang nalang ay malagutan ako ng hininga dahil sa yakap nya na punong puno ng pangungulila.

"Is this real? Oh nababaliw na talaga ako" bulong nya sa tenga ko

Kinulong nya ang mukha ko gamit ang maiinit nyang palad

"Totoo nga nandito kana" umiiyak na sambit nya.

Isa isang nagsilaglagan ang luha sa kanyang mukha. Doon na din ako tuluyang naiyak.

"I'm so sorry Eingrid please don't leave me again. Wag mo na akong iiwan di ko kayang mawala ka ulit."

Lumuhod sya at niyakap ang mga binti ko.

"Tumayo ka Jack" hinatak ko sya patayo at niyakap ng mahigpit.

"Natatakot ako baka iwan mo ako ulit"

"Hindi na, hinding hindi na kita iiwan."

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon