Natigilan ako sa paglalakad ko dahil sa paghigit ni Jack sa braso ko.
"What was that?!" Pasinghal na tanong nito.
Inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko, tinapunan ko ito ng irap bago ako sumakay sa taxi na nasa harapan ko.
Tinignan ko sya sa side mirror ng sasakyan.
Damn. Hindi naman mali ang ginawa ko hindi ba?
Asawa ko sya, natatakot akong maagaw sya ng iba dahil mahal na mahal ko sya.
Call me selfish or whatever, Im just scared. Ayokong mawala saakin si Jack, hindi ko kakayanin.
I can be a bitch for him.
Hindi ako sa bahay dumeretso, umuwi ako kina mommy. Gusto ko munang mag pahangin, sobrang dami kong iniisip this past few days kaya hindi ako gaanong nakatulog ng maayos.
Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si daddy na nakatayo sa harap ng sasakyan nya. Marahil ay kakauwi lamang nito galing sa trabaho.
"Anak." Sinalubong ako ng yakap ni daddy.
"Daddy" naka ngiting tugon ko. Kahit papaano nawala lahat ng iniisip ko dahil kay daddy.
I'm really happy because he's back and our family is complete.
"Halika't pumasok tayo. Im sure masusurprise ang mommy mo"
Nadatnan namin si mommy na nagluluto ng pagkain.
"Hon" malambing na tawag ni daddy sakanya.
Nagtago ako sa likod ni daddy para hindi agad ako makita ni mommy.
"Oh nandyan ka na pala" rinig kong sambit ni mommy.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko.
"Tadaaaaa!" Sigaw ko.
Nanlaki ang mga mata ni mommy, binitawan nya ang hawak nyang plato at lumapit saakin
Isang napaka higpit na yakap ang ibinigay ni mommy.
"Namiss kita! Bakit ngayon ka lang dumalaw anak?" Reklamo nito.
Natawa kami pareho ni daddy. "Sorry mommy, sobrang busy ko lang kasi sa bahay" palusot ko.
Sabay sabay kaming kumain habang nag kukwentuhan. I can see happiness in her eyes.
"Damion ask for a favor anak, if you want to cancel your resignation letter. Pero kung ayaw mo naman its okay"
Natigilan ako sa sinabi ni daddy, cancel? Pero kasi gusto ni Jack tumigil na ako sa pag momodel.
"May asawa na ang anak mo, sa bahay lang dapat sya lagi" biglang sabi ni mommy.
We should cut that mentality na ang mga babae ay sa bahay lang dapat.
"Audrey anak, no matter what happen always remember nandito lang kami ng daddy mo. Wag mong itago at dibdibin lahat ng problema mo." muntik na akong maiyak sa sinabi ni mommy. Alam na alam nya when something is bothering me.
Ngumiti ako "Yes mommy."
Pagkatapos naming kumain hinatid na ako ni daddy sa bahay namin ni Jack. Baka mag taka sila kung bakit ayoko umuwi.
Mag aalala lang si mommy kapag nalaman nya ang nangyari.
"Bye dad. Ingat po kayo. Bibisita nalang po ulit ako" humalik ako sa pisngi ni daddy, niyakap ko din sya.
"Ikaw din anak. Pumasok kana napaka init"
Kumaway pa ako kay daddy bago ako pumasok sa bahay.
Nandoon na ang sasakyan ni Jack sa garahe. Bigla nalang akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Marrying The Psychopath
RomanceWhat if destiny takes you to a wrong man? I mean yeah he is the ONE for you but he is sick. He's mentally ill A psychopath. Isang lalaki na baliw na baliw sayo at hindi kayang mabuhay kung wala. But you're not inlove with him. Awa. Yun lang ang nara...
