2.4 Hazel - Taking a chance

916 42 4
                                    

Kahit nasa byahe na kami ay hindi pa rin niya sinabi kung saan kami pupunta. Pinapaikot ikot ko ang singsing na nasa kamay ko.

Marlo: Bakit ka natatakot?

Hazel: Huh?

Marlo: Kapag takot ka, kinukuha mo sa daliri mo yan at nilalaruan. Alam mo, baka balang araw, mawawala mo yan.

Binalik ko uli ito sa aking daliri at napatingin lang sa malayo.

Hazel: Nakasanayan lang.

Tama naman. Paano mo ba babaguhin ang isang bagay na nakasanayan mong gawin?

Paano mo ba matuturuan ang sarili mo na hindi matakot sa mga bagay na hindi mo nakasanayan?

Mas pipiliin mo ba ang isang bagay na nakasanayan mo na o ang isang bagay na kahit minsan ay hindi mo pa naranasan?

Lumingon ako sa kanya at napaisip. Mamahalin mo ba siya dahil nakasanayan mo na o dahil sa nakasanayan mo na, mas pipiliin mong magmahal ng iba?

Marlo: Bakit?

Hazel: Wala. Saan ba tayo pupunta? Malayo pa ba?

Marlo: Nandito na tayo. Haze?

Dahan dahan niyang napark ang sasakyan. Teka, bakit kami nandito.

Marlo: Sa araw na ito, hindi ka pwedeng magtanong ng kahit na ano. Let's just have fun, okay?

Tumango lang ako. Naglakad lakad kami sa daungan ng mga bangka at sa dulo ay may yate. Ang yate ng pinsan niya na lagi naming ginagamit.

Hazel: Talaga?

Marlo: Ngayong araw na ito, gagawin natin ang mga gusto mo.

Tinulungan niya akong umakyat at naupo lang kami doon. Hindi ako mahilig sa ganito dahil nga hindi ako magaling lumangoy.

Pero kapag nandito ako, sa gitna ng dagat, ay mas nakakapag isip ako. Maya maya ay tumigil ito. Nakatayo lang ako doon sa dulo at niyakap niya ako.

Marlo: Ngayong nandito tayo at malayo sa lupang nakasanayang mong tayuan, anong gusto mong gawin?

Bakit ngayong nandito na nga kami ay wala akong maisip? Habang nag iisip ako ay bigla niya na lang akong tinulak sa tubig.

Hazel: Marlo!!

At tumalon din siya kasama ko. Nakayakap ako nang mahigpit sa kanya. Takot ako kapag malalim na ang tubig.

Hindi ako takot mamatay sa sakit ko pero takot akong mamatay dahil sa malulunod ako.

Marlo: Alam mo namang hindi kita bibitiwan, bakit ka pa matatakot? Mas maganda kapag huminga ka nang malalim, pumailalim ka sa tubig at buksan mo ang mga mata mo.

Hazel: Bakit mo pa ako pinasuot nito kung itutulak mo pala ako at magsnorkeling pa.

Marlo: Haze, it's time to take a chance.

Hinawakan niya ako sa mga pisnge ko at hinalikan habang nasa gitna pa rin kami. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo at niyakap.

Hazel: Alam kong may dahilan kung bakit mo ginagawa ito. Pero dahil nangako akong hindi magtatanong, maghihintay muna ako hanggang sa tamang panahon.

Marlo: Baka giniginaw ka na.. At parang uulan yata.

Hazel: Uuwi na tayo?

Marlo: Haze, masama sa iyo ang mabasa ng ulan.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon