Naupo kami sa harden nang matapos siyang kunan ng dugo. Nakaupo lang siya at namumutla.
Hazel: Kahit yan, ay pwede mong makasanayan. Sa huli, kahit ilang beses mong itusok yan sa katawan mo, hindi mo na mararamdaman ang sakit na dulot nito.
Naupo ako sa tabi niya.
Hazel: Sampung taon na ang lumipas nang makilala namin ni Marlo si Sara. Three years old pa lang siya. Sampung taon.
Kaye: Nandito ka noon dahil kay Marlo?
Umiling ako at pinahiran ang luha ko.
Hazel: Dahil sa sarili ko. Pinanganak akong may butas sa puso. Mula noon hanggang ngayon, itong ospital na ito, ang halos naging pangalawang bahay ko. Habang naglalaro ang mga bata kasama ang mga kaibigan nila, nandito ako, tinutusukan ng kung ano ano. Pero kahit masakit at mahirap, swerte ako at kasama ko noon si Marlo. Siya ang laging nag aalaga sa akin, siya ang laging nagpapaalala sa akin ng mga dapat at hindi dapat. Kaya malaki ang parte niya sa buhay ko. Kasi kung wala siya noon, hindi ko alam kung nalagpasan ko ang mga paghihirap na dinanas ko.
Kaya siguro mahirap pumili. Ang taong minahal ka at tinulungang mailigtas para lang mabuhay ka. O ang taong minahal ka, at tinutulungan ka kung paano mabuhay nang masaya.
Hazel: Noong bata pa ako, nahirapan akong magkaroon ng kaibigan. Hindi sila sanay sa mga larong pwede sa akin, hindi rin ako pwede sa mga laro nila. Isang araw, may bagong lipat sa amin. Doon ko nakilala si Marlo. Obviously, magkaiba kami masyado lalong lalo na, sporty siya, outgoing, adventurous, funny.. At ako.... Pero, sinanay niya ang sarili niya sa mga bagay na ayaw niya para lang may kasama ako. Hanggang sa lumaki na kami.
Kaye: Nakasanayan mo bang mahalin siya?
Hazel: Hindi siya mahirap mahalin. Paano mo ba hindi mamahalin ang taong minahal ang lahat ng wala sa iyo?
Kaye: Kung mahal mo siya at nakasanayan mo na, bakit ka bumitaw?
Hazel: Dahil... Mas minahal niya ako to the point na, kinalimutan niya ang sarili niya. Bata pa lang kami, alam ko na ang mga pangarap niya. Kaya mas mahirap tanggapin kung bibitawan niya na lang lahat dahil naging mahina ako. Gusto kong abutin niya ang mga pinangako niyang abutin, hindi dahil sa sinabi niya, pero dahil sa alam kong kaya niya. Kaya ako bumitaw, para sa pangarap niya, para sa nararapat sa kanya.
Nang lumingon ako kay Kaye, nakatingin lang siya sa malayo.
Hazel: Nang umalis siya papuntang Australia, hindi niya alam na nasa ospital na ako noon. Kaye...,
Hinintay kong tumingin siya sa akin bago ko sabihin.
Hazel: May butas ang puso ko. Kinailangan ko noon ng heart transplant para mabuhay. Ang ibig sabihin, hindi ko pag aari ang pusong tumitibok sa katawan ko. Hindi ko alam kung para kanino tumitibok ito. Hindi ko alam kung ang taong napili nito, ay dahil siya ang gusto ko o dahil minahal na niya bago pa ako.
Kaye: Sino bang napili nito?
Hazel: Kung ikaw, mamahalin mo pa rin ba ako? Mapagkakatiwalaan mo ba ang pusong pag aari ng iba?
Doctor: Hazel.
Lumingon kaming dalawa at nandoon pala si doc.
Doc: Thank you Kaye, sa pagtulong mo, natulungan mong humaba ang buhay niya. Salamat. Mauna na ako sa inyo. Napadaan lang ako.
Kaye: Walang anuman po.
Nang umalis na siya, nakatayo lang kami doon at hindi alam paano ipagpatuloy.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (Completed)
FanfictionIs my heart beating because it loves you or because it remembers you?