Habang nasa byahe kami ay nakasandal lang ang aking ulo sa upuan nang sasakyan at nakatingin sa malayo. Bakit ko nga ba gustong pumunta doon?"When I look into your eyes
it's like watching the nigt sky
or a beautiful sunrise
well, there's so much they hold~~~well, I won't give up us
even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up."
Napangiti na lang ako. Mahilig siyang kumanta habang nagdadrive. Lagi niya akong kinakantahan.
Pero bakit gaano man kalungkot ang mga kinanta niya, ay hindi pa rin ako napaiyak nito.
Nakikinig lang ako hanggang sa nakatulog na nga ako. Sa panaginip ko, ay may nakita akong gitara. Nakasandal lang siya sa gilid ko. Iyon lang ang naalala ko at bigla akong naggising ng may kamay na humawak na sa mga pisnge ko.
Marlo: Haze, nandito na tayo. Gusto mo bang buhatin kita?
Bulong niya sa tenga ko. Sabay ngiti at hinalikan lang ako sa leeg.
Umiling lang ako at binuksan ang aking mata. Sobrang lapit ng kanyang mukha. Sobrang lapit pero pakiramdam ko, ako ang nasa malayo.
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ko ito. Magkahawak kaming naglakad lakad doon. Huminto muna ako at tiningnan lang ang paligid ko.
Marlo: Anong gusto mong gawin?
Hazel: Magkape.
Napatawa siya nang malakas at hinawakan uli ang kamay ko. Naglakad kami hanggang sa makapili ng tamang lugar.
Marlo: Alam kong hindi iyan ang pinunta mo dito. Bakit ka nga ba gustong pumunta dito?
Papayag kaya siya?
Hazel: Mahal mo ba ako?
Marlo: Hazel..... Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin mo. Hindi! Hindi pwede. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ng mommy mo? " Marlo, kapag may nangyari, ikaw ang mananagot." Kaya, hindi pwede.
Lumapit ako sa tabi niya at niyakap lang siya nang mahigpit.
Hazel: Please.... Gusto kong pumunta sa taal.
Hindi siya nakasagot agad. Nakatitig lang siya at halos magkasalubong ang mga kilay niya. Napahinga nang malalim at hindi nagsalita ng ilang segundo.
Marlo: Hazel... Kapag biglang sumama ang pakiramdam mo, magsabi ka agad. Aalis tayo agad.
Tumango lang ako sa kanya. Mahal ko siya, alam kong mahal niya ako. Pero minsan, gusto ko ring malaya kong gawin ang mga bagay na kinatatakutan ko.
Paano ko ba malalaman kung takot nga ako, kung kaya ko, kung hindi ko man lang susubukan.
Buong buhay ko, halos nabuhay ako sa takot, hindi dahil baka bukas wala na ako. Takot akong mawala na lang nang hindi man lang naranasang mabuhay.
Buhay ka nga, pero masaya ka ba? Masaya ka nga pero malaya ka ba? Malaya ka nga, pero hindi mo naman naranasang mabuhay.
Nang tumayo na siya ay bigla ko lang siyang niyakap.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (Completed)
FanfictionIs my heart beating because it loves you or because it remembers you?