1.2 Hazel - The weaker heart

1.4K 59 4
                                    

Nakaupo lang ako sa harden namin, nakapikit ang mga mata. Sa bawat paghinga ng sariwang hangin ay may lungkot akong nadarama.

Bata pa lang ako nang malaman na may butas ang puso ko. Dahil dyan. Maraming bawal. Bawal ang sobra. Ang sobrang saya, ang sobrang lungkot o sobrang pagod. Kahit anong oras pwede akong mamatay na lang bigla.

Ang pinakamagaling na option ay ang heart transplant. Sa ngayon, wala pa ring mahanap na donor o iyong bagay sa puso ko. Para din itong pagmamahal, hanapin mo ang taong kahati ng puso mo. Kahit ilang beses mo man isukat, kung hindi sila magkatugma, ay hindi mo mababago kahit anong pilit mo.

Maya maya ay naramdaman kong niyakap niya ako at napangiti na lang ako.

Marlo: Anong ginagawa mo dito sa labas?

Hazel: Nagpapahangin lang.

Nang tumingin ako sa kanya, nakatitig lang siya. Mahal nga ba kita? Tanong ko sa sarili ko. Mahal kita dahil ikaw ang kalahati ng puso ko o mahal kita dahil lang may butas ang puso ko? Dahil sa sakit ko, hindi ko naranasan ang magmahal lang nang walang takot na baka bukas, bigla na lang titigil ang tibok ng puso ko.

Marlo: Bakit parang ang tamlay mo? Masama ba ang pakiramdam mo?

Hazel: Okay lang ako. Huwag kang mag alala. Kamusta pala ang lakad niyo ni Patrick?

Marlo: Naghanap ng pokemon buong maghapon. Napakasaya. Kailangan mong itry...

Bigla siyang napahinto.

Marlo: Kumain ka na ba? Samahan mo ako sa loob. Sarap ng niluto ng mommy mo.

Tumayo siya at inabot ang kamay niya. Minsan, naiisip ko masyado kaming magkaiba. Outgoing siya, homebuddy ako. Adventurous siya, at ako, well, wala akong karapatang maging adventurous.

Minsan, naaawa ako sa kanya. Dahil sa akin, ang dami niyang hindi magawa.

Pumasok kami sa loob ng bahay at nakaakbay lang siya sa akin.

Marlo: Tita, excited na akong matikman ang bagong recipe mo.

Malapit siya sa pamilya ko lalong lalo na kay mommy. Siguro, si Marlo, magaling talaga makisama sa ibang mga tao.

Pagkatapos naming kumain ay lumapit siya sa piano at nagpatugtog.

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
ang iniisip isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso
ikaw ang pinangarap ngarap ko
simula ng matanto na balang araw iibig ang puso.

Ikaw ang pag ibig na hinintay
puso ay nalumbay ng kay tagal
ngunit ngayo'y nandito na
ikaw, ikaw ang pag ibig na binigay
sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
ligaya't pag ibig ko'y ikaw."

Habang kumakanta siya naalala ko ang kwento niya noong isang araw. May pinakilalang iba ang tita niya sa kanya. Kaya nag away na naman sila.

Marlo: Hindi ko maintindihan bakit niya ako pinipilit kay May. Baka bukas o sa makalawa baka iba na naman ang irerenta sa akin.

Hazel: Huwag ka nang magalit sa tita mo. Intindihin mo na lang siya. Syempre gusto niya nang mas bagay sa
iyo.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon