8. Hazel - The bridge

797 43 7
                                    

Nang minulat ko ang mata ko ay umaga na pala. Nakatalikod ako at nakaharap sa bintana. Unti unti akong napapangiti. Tulog pa kaya siya?

Nang umikot ako ay bigla akong nagulat, sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Hindi ko maiwasang titigan siya.

Nilapit ko ang aking kamay sa kanyang mukha pero bahagya ko lang itong hinawakan. Mula sa kanyang mata, sa ilong, sa bibig.

Si Kaye, isa sa paborito kong tingnan ay ang mga bibig niya, at ang pangalawa, ang mga mata niya.

Pero napatigil ako sa bibig niya. Napahawak yata ako ng mas matagal at medyo gumalaw siya. Napapikit ako agad.

Gumising ba siya? Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko, nakatitig na siya at nakangiti.

Kaye: Isa sa nagpapagwapo sa akin ay ang red lips ko.

Hazel: Ang aga aga, mukha mo na agad ang topic.

Kaye: Ano ba ang tamang topic sa umaga? Lalong lalo na kapag bagong gising ka?

Hazel: May naisip ako. Bakit ka dito nakahiga? Eh, nilapag mo na yung higaan mo sa gilid ng kama, ang ending, dito ka na lang naman pala tatabi.

Naupo siya bigla at inayos ang buhok niya. Kahit minsan, hindi ko pa nahawakan ang kanyang buhok. Hindi.. Hindi. Hazel. Focus!

Kaye: Maniniwala ka ba kapag sinabi kong, may sleep walking problem ako.

At ngumiti lang siya. Yung tipong parang may commercial siya sa tv, yung tipong may inaakit siyang babae. Hindi ako dapat magpatalo.

Hazel: Hindi ako naniniwala. Ikaw, ilang beses mo na akong pinagtripan kaya ayoko na.

Kaye: Ang puso ko yata ang pinagtripan mo eh. Bago pa ang trip na to, trip ka na ng puso ko.

Mahilig talaga tong magpacute. Tinapon ko ang unan sa kanya at tumayo na. Iniwan ko siya doong nakaupo sa kama ng mag isa.

Nakatayo lang ako at nakatingin sa salamin sabay hawak sa puso ko. Ok lang ako. Walang mali sa puso ko. Walang mali sa nararamdaman ko. Kung tumitibok ito, tumitibok ito dahil sa gusto ko.

Pagkatapos kong naligo ay si Kaye naman ang sumunod. Nakaupo lang ako sa sofa at ang mga paa ko ay nakapatong sa dulo.

Nang lumabas siya ay napalingon ako. Nakablue jeans, black shirt at basang buhok. Napakasimple lang talaga pero ang lakas ng appeal niya. Sa sobrang lakas, kahit sino ay mapapatingin sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga paa ko at pinatong sa binti niya. Ang kanyang ulo ay nakasandal sa sofa.

Kaye: Tara?

Hazel: Hmmm pinakanta mo na ako sa harapan ng marami. Hindi mo naman yata ako papupuntahin sa gubat at iiwan doon di ba?

Kaye: Whattt? Kung iiwan kita doon sa gubat, di ba kasama mo ako, madilim doon. Alam ko romantic siguro pero takot din ako sa dilim. Kaya, hindi yan mangyayari.

Tumayo siya uli at kinuha ang kanyang bag. Tumayo na rin ako. Nakashorts lang ako at nakashirt na puti. Siya naman, naka blue jeans, black inner shirt at may polo. Hindi ba mainit? Pero bagay sa kanya.

Bakit parang ang laki ng bag niya? At napakaliit ng sa akin?

Hazel: Ano bang laman ng bag mo?

Kaye: Basta. Surpresa nga. Kaya huwag ka ng magtanong kasi hindi ko sasabihin sa iyo.

Sumakay kami ng van, tricycle, bangka. Nang makarating kami, dahil unang beses ko doon hindi ko alam kung anong meron sa lugar na un.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon