16.2 Hazel - Camping

536 35 0
                                    

Sabi ko kay Kaye, sa tapat na lang ng school kami magkikita. Hindi ko pa rin nasabi sa kanya na kasabay namin si Marlo.

Paano ko sasabihin kaya sa kanya? Nang malapit na kami, nakita ko si Kaye na nakatayo, at nakasandal sa sasakyan.

Marlo: Hulaan ko. Hindi niya alam na sasabay ako. Tama?

Hindi ko na siya sinagot. Bakit pa? Tama naman kasi. Nang bumaba na ako, hmmm.. Halatang nainis siya. Mabuti na lang at dalawa ang kotse. Kung hindi, baka ang ending, maglalakad na lang ako.

Kaye: Nagbibiro ka?

Hindi siya nakatingin sa akin. Si Marlo ay nakangiti lang.

Marlo: Good morning Kaye. Ang ganda ng umaga ko.

Kaye: Good morning Hazel.

Lumapit siya sa akin, bigla niya akong niyakap. Nakita ko lang ang mukha ni Marlo na naiinis na rin. Naku, world war na ito.

Kaye: Sa akin ka na sumabay.

Marlo: Bakit sa yo? Mas maganda yata ang kotse ko at ako ang kasama niya kanina.

Kaye: May sinabi ka kasi sa akin na hindi ko makakalimutan. Na nakikisabay ka lang. Kaya, huwag ka ng mapili.

Marlo: Ako ang nakakaalam ng lugar.

Kaye: Mabuti. Eh di, mauna ka na. Susunod na lang kami ni Hazel.

Marlo: Paano kung tatakbuhan mo ako?

Kaye: Wow. Trust issues. Kung gusto mo, sumabay sa kotse ko, para mas maniwala ka, kasya ka pa naman.

Marlo: Bakit hindi na lang ikaw....

Pumagitna na ako sa kanila at sumipol.

Hazel: Tama na! Kung hindi kayo titigil, dalawa na lang kaya kayo ang umalis..

Kaye: Ayoko nga. Kung hindi ka sasama, magpapaiwan na rin ako.

Ngumiti lang siya at inakbayan ako. Kaya sinikol ko siya sa tyan.

Marlo: Saan ka sasabay?

Nakatayo silang dalawa at nakatingin sa akin. Siguradong may magtatampo sa kanila.

Pinikit ko ang mga mata ko, sabay ang pagturo. Nang binuksan ko ang mga mata ko, nakadikit na ang kilay ni Kaye. Si Marlo ang napili ko.

Marlo: Perfect. Tara na.

Hazel: Sorry.

Bulong ko kay Kaye.

Marlo: Dito ka na passenger's seat.

Kaye: Bakit dyan? Dito na lang sa likuran.

Marlo: Ano ako? Driver.?

Kinuha ko na lang ang headphones at nakinig sa music. Naupo ako sa passenger's seat. At pinikit ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na pala ako.

Nang maggising ako, kinuha ko ang headphones ko. Nagulat ako sa kanila kasi kumakanta sila. Sa ibang sasakyan ba ako ngayon?

"Can we go back to the days our love was strong
can you tell me how a perfect love goes wrong
can somebody tell me how to get things back
the way they used to be
oh God give me a reason
I'm downon bended knee
I'llnever walk again until you come back to me
I'm down on bended knee"

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon