Nang maggising ako, tanghali na pala. Nakailang missed calls at messages na rin pala si Kaye pero hindi na ako nagreply.
Nang bumaba ako, nandoon na si mommy nag aayos ng mesa.
Mommy: Hindi kita ginising. Baka kasi gusto mong mapag isa. Kumain ka na muna. Sabayan mo ako.
Habang kumakain kami, biglang may nag doorbell.
Hazel: Sabihin niyo po, wala ko. Umalis. Please po.
Nang bumalik si mommy, kasama niya si Marlo.
Marlo: May dala akong cake. Mahilig ka sa cakes.
Hazel: Hindi ako stressed.
Marlo: Sigurado ka? Ako, stressed. Kaya kakain ako.
Hazel: Ikaw rin ang kakain niyan?
Marlo: Ano ba? Gusto mo ba talaga o ayaw mo?
Hazel: Hindi ko alam.
Marlo: Cake. Kaye..... Nasa labas pala siya. Nakalimutan kong sabihin.
Hazel: Sana sinabi mong wala ako.
Marlo: Paano ko ba malalaman yun? At nakita na niya ako. Hindi yun maniniwala. Hindi naman pwede na magtatago ka ng habang buhay sa kanya.
Lumabas na lang ako. Kasi alam ko ring hindi aalis si Kaye. Nakasandal siya sa gate nang binuksan ko.
Kaye: Sigurado ako hindi sinabi agad ni Marlo na nandito ako.
Nakatayo lang ako at nakatitig sa kanya. Alam kong mahal kita, pero bakit ang hirap.
Hazel: umuwi ka na.
Kaye: Bakit hindi ka pumasok? Masama ba ang pakiramdam mo?
Lalapit sana siya pero bigla akong napalakad pabalik.
Kaye: May nangyari ba?
Hazel: Kaye, gusto ko lang magpahinga.
Kaye: Pahinga? Dahil pagod ka? Saan ka ba pagod na?
Hazel: Sa..
Hindi ko kayang itulak siya palayo.
Hazel: Umuwi ka na. Magkita na lang tayo bukas.
Tumalikod na lang ako at iniwan siya. Nakasandal ako sa pintuan at umiiyak. Nang lumapit si Marlo, niyakap ko na lang siya.
Marlo: Kailangan bang ganito?
Hazel: Hindi ko alam. Ang alam ko, nasasaktan ako.
Hinawakan niya ako sa balikat at tinitigan.
Marlo: Hindi ba, kung nasasaktan ka, yun ay dahil mahal mo na nga siya. Hindi ang puso ng nagmamay ari noon ang nagdidikta sa yo na ibigin siya. Ikaw. Ikaw ang may control ng nararamdaman mo.
Hazel: Gusto kong makita ang buhay mo sa set. Hindi ba mahirap maging artista?
Marlo: Anong ginagawa mo?
Hazel: Nagsasalita.
Napahinga na lang siya ng malalim. Kahit man ayaw niya, alam kong hindi niya ako matitiis.
Marlo: Bukas. After school, susunduin kita.
Hazel: Okay.
Lumipas ang sumunod na araw at hindi ko pa rin alam paano ako makikitungo kay Kaye.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (Completed)
FanfictionIs my heart beating because it loves you or because it remembers you?