Nakatayo ako at nakatingin sa bangkang papaalis na. Si Kaye naman ay nasa likuran, kumukuha ng mga letrato.
Hazel: Anong oras babalik ang bangka?
Sigaw ko sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa bangkang nasa malayo na.
Kaye: Bukas pa.
Sigaw niya. Ah. Bukas pa pala. Bukas? Napalingon ako bigla sa kanya. Pero dahil nga naoutbalance ako, nalaglag ako sa tubig. High tide pa naman at malamig ang tubig. Hindi rin ako marunong lumangoy.
Ginagalaw ko ang mga kamay ko at sinisipa ang paa ko pero pakiramdam ko wala pa ring nangyayari.
Narinig ba ni Kaye? Bago ako nawalan ng malay ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko.
Kaye: Hazel,?
Anong nangyari? Umuubo na rin ako nang malakas at parang sasabog ang dibdib ko. Niyakap niya ako bigla, pero nanginginig ako. Mahirap namang kiligin kung nanginginig ka na nga.
Kinuha niya ang kanyang towel at binalot sa katawan ko. Pero nanginginig pa rin ako.
Bakit kasi sa dinadami ng panahong malunod ako, nalunod pa akong siya ang kasama ko.
Kaye: Hazel, ok ka na ba? Tatawag ba ako baka may bangkang for emergency.?
Umiling lang ako. Nang tumingin ako sa kanya, ang mga mata niya ay may sobrang pag alala.
Kaye: Sa susunod, mag ingat ka. Please Hazel. Paano kung wala ako? Paano kung hindi kita nakita? Paano kung nahuli ako kahit ng isang minuto lang?
Alam kong pinipigilan niyang umiyak. Dahil alam ko ang nakaraan niya. Takot nga ba siyang mawala ako o takot siya dahil baka mas mauuuna ako?
Hazel: I'm sorry.
Kaye: May cottage sila doon na pwede tayong magpahinga. Kailangan nating bumalik para makapagbihis ka.
Tatayo na sana siya nang bigla ko siyang hinawakan sa kamay.
Hazel: Dahil first time ko dito, gusto kong sulitin ang pagkakataong meron ako.
Kaye: Na hawakan ang kamay ko?
Napatawa na lang ako ng malakas.
Hazel: Na panuorin ang sunset kasama ka.
Kaye: Ahhh.
Hindi ko maiwasang titigan siya. Dahil nga sa pagkakataong ito, susulitin ko.
Hazel: At kahawak ang kamay mo.
Sinandal ko lang ang aking ulo sa kanyang balikat. Hindi ko alam kung gaano na katagal nang marealize ko. Teka, nalunod ko. So, si Kaye.
Kaye: Anong nangyari sa iyo?
Hinalikan niya ako sa bibig? Mali pala. Mouth to mouth resuscitation pa rin yun. Bigla akong natahimik habang pinapanuod ang dalampasigan. Nang lumingon ako sa kanya, nakakatig din pala siya.
Kaye: Madilim. Baka maligaw tayo sa daan. Maganda doon. Sigurado akong magugustuhan mo.
Tumayo siya at inabot ang kanyang kamay. Naglakad kami, medyo madilim na at siguro mahina din ang mga mata ko sa dilim.
Nakahawak pa rin ako sa braso niya ng mahigpit. Teka, bakit nawala ang mga hugot niya?
Hazel: Takot ka noh?..
Biro ko.
Kaye: Ikaw kasi. Bakit gusto mong panuorin ang sunset at mali pala ang lugar na tinitingnan. Kaya tuloy nakalubog na ito ng hindi natin nakikita.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (Completed)
FanficIs my heart beating because it loves you or because it remembers you?