10. Kaye - Why I fell

537 36 2
                                    

*Kaye's POV -

Naalala ko yung una ko siyang nakita sa ospital. At kinantahan ko pa siya noon. Alam ko, naisip ko rin noon, na kung mas nakilala ko siya nang lubusan, baka nga nahulog ako sa kanya. Pero mas pinili kong iwasan siya.

Sinong mag aakala sa pag iwas ko, magkikita pa rin ang landas naming dalawa. Hindi ko man hiniling ito, hindi ko man plinano ito, at lalong lalong na, hindi ko man naintindihan ito, pero nagustuhan ko na pala siya noong una ko siyang nakita sa ospital at may mga nakakabit pang tubes sa katawan niya.

Doon pala nangyari ang unang pagbabago ko. Yung inisip ko siya bago ako. Yung iniwan ko ang silyang inupuan at iniyakan ng ilang buwan para lang sa isang estrangherong babae.

Pangalawa- noong pinaupo ko siya sa silyang tinago ko sa iba. Bakit nga ba? Dahil gusto ko siyang makatabi.

Pangatlo - Nang inimbita ko siya sa gig namin. Kapag kakanta ako, kinakantahan ko ang lahat ng mga dumalo, hindi ako kumakanta para lang sa isang tao. Hindi ko namalayan, habang kumakanta ako sa harapan niya, para na pala yun sa kanya.

Pang apat, nang unti unti akong nasasanay na kasama niya. Kaya ko naisip ang trip na yun. Hindi yun para tulungan siya sa mga kinatatakutan niya. Kasi ang totoo, para lang yun na makasama ko siya.

Pang lima, sa bawat araw na lumipas, natatakot na akong malayo sa kanya. Dahil nasanay na akong kasama niya, nasanay rin akong binabago niya.

Pang anim, dahil sa kanya, nagbago ang paningin ko sa mundo. Lahat ng luma sa paningin ko ay nababago. Lahat ng bago ay hindi naluluma.

Pang pito, dahil nagbago ang paningin ko sa mundo, hinayaan ko nga siyang baguhin ako.

At sa hindi ko namamalayan, habang tinuturuan ko siya kung paano mabuhay sa mundo, ako pala ang tinuturuan niyang mahalin ang buhay ko.

Ngayong nakatayo siya sa harapan ko, habang may kinakausap siya sa telepono. Naiisip ko ang lahat ng mga akala kong hindi ko nagustuhan sa kanya.

Una - Napapahatsing siya kapag gumagamit ako ng perfume. Kay Trisha pa nanggaling yun. Nakasanayan kong gamitin, nakasanayan kong amuyin. Pero dahil hindi siya pala pwede, hindi ko na ginamit hanggang sa nakasanayan ko rin.

Pangalawa - Takot siya sa heights. Si Trisha ay hindi takot. Sobra yung adventurous. Mahilig siyang umupo lang sa taas ng building at lilingon sa baba. Kaya nga ang rooftop ang favorite place niya.

Pangatlo - Kapag tinutukso ko si Hazel, ang bilis mamula ng kanyang mga pisnge kaya madali kong nalalaman kung nahihiya siya. Noon, si Trisha, magaling magtago yun. Yung tipong akala mo hindi kinikilig, pero sa loob, tumatalon na pala siya sa saya.

Pang apat, napakaraming bago na kinatatakutan si Hazel. Minsan, naisip ko, paano siya nabuhay sa mundo ng ganito katagal?

Pang lima. Hindi siya kumakanta at hindi rin siya magaling kumanta. Pero magaling siyang sumayaw.

Sa dami ng pagkakaiba nila, siguro lahat nagtataka, bakit nga ba siya? Bakit hindi yung mas tulad ni Trisha.

Bago kami umalis sa trip na ito, nakausap ko rin si Riana.

Riana: 4 Days, 3 nights. Hmmm.. Maraming pwedeng
magbago. Maraming pwedeng mangyari.

Kaye: Katulad ng.?

Riana: Kung aaminin mo nga sa kanya ang totoo mong
nararamdaman.

Kaye: Magkaibigan lang kami.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon