14.2 Misunderstanding

505 33 1
                                    

Nang sumunod na araw, may kuryente na nang maggising ako. Kaya nagcharge muna ako ng cellphone at bumaba na. Ang iba ay nandoon na rin.

Patrick: Hulaan mo sinong nagluto.

Lumingon ako sa kusina at nandoon pa si Marlo kaya nilapitan ko.

Hazel: Mukhang masarap yan ah.

Marlo: Masarap talaga yan. Iba ang lasa kapag cooked with love.

Bumalik ako sa labas, at naupo kasama nila. Maya maya, ay lumabas na rin si Marlo at naupo sa tabi ko. Nilagyan niya ng pancakes ang plato ko.

Eric: Ako rin.

Nilapit ni Marlo ang pinggan sa kanya.

Marlo: Serve yourself.

Eric: Grabe siya. Naglaro lang sa ulan, nagbago na.

Nakita pala nila. Kumain na lang ako at hindi na sumagot pa. Alam ba nila tungkol kay Kaye? Siguro.

Ang iba ay naghahanda para lumabas muna, bumalik ako sa kwarto ko para icheck ang aking cellphone. Nang binuksan ko ito, ang dami na palang messages, pero ang huling galing kay Kaye 10pm pa. Kahit ngayon, wala.

May nakita akong messages na galing sa kabanda niya.

"Nasa ospital si Kaye."

Nataranta na ako bigla. Kinuha ko ito sa charger at tinawagan si Kaye pero out of coverage area na ang cellphone niya. Kaya tinawagan ko ang number na yun.

Hazel: Hello, Mark? Nasaan si Kaye.

Mark: Nasa ospital pa siya ngayon. Kasama niya ang pamilya niya. Pauwi pa lang ako.

Hazel: Anong nangyari? Ok lang ba siya?

Mark: Naaksidente sa motor.

Kapag may nagsabi na motorcycle accident, iba na ang sa isip ko. Kaya dumadaloy na pala ang mga luha ko at nanginginig na ako sa takot.

Hazel: Hindi ko siya makontak.

Mark: Hazel, huwag kang mag alala. She is...

Hazel: Pakisabi papunta na ako. Please. Sige bye.

Hindi ko na maintindihan ang ibang mga sinabi niya. Ang alam ko, inayos ko agad ang mga gamit ko.

Si Marlo ay kumatok at nang binuksan niya,nakita niya akong umiiyak.

Marlo: Hazel,may nangyari ba?

Hazel: Naaksidente si Kaye. Kailangan ko siyang puntahan.

Hinawakan niya ako sa balikat para huminto ako, at pinahiran ang mga luha ko.

Marlo: Sasamahan kita.

Tumango na lang ako at nagmadali kaming umalis. Habang nasa byahe pabalik ay tinatawagan ko pa rin si Kaye pero wala pa rin.

Marlo: Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo.

Nakasandal lang ako sa upuan at nakatingin sa labas. Kahit gustuhin kong matulog ay hindi ko pa rin magawa.

Marlo: Pumasok ka na, magpapark pa ako. Hahanapin na lang kita pagkatapos.

Nagmadali akong pumasok. Room 301 raw. Halos tumatakbo na ako, hindi ko nga namalayang sumakay pala ako sa elevator nang mag isa.

Nang makita ko ang kwarto ay binuksan ko agad ito, nagulat silang lahat nang pumasok ako.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon