17. Hazel - Be my promdate

534 32 0
                                    

Isang araw matapos ang "camping" na yun, balik eskwela na naman. Nakaupo kami nina Angelic at May sa labas ng classroom at nag uusap.

May: Sa maraming salamin na classroom?

Tumango lang ako. Nagtinginan silang dalawa.

Hazel: Bakit? May daga kasi sa cabinet. Nang binuksan ko wala namang laman. Hindi naman totoo ang mga kwento doon.

Angelic: Baka nga. Pero nakakatakot kasi doon.

May: Kasama niya kasi si Kaye, kaya hindi siya natakot.

Hazel: Mas takot pa nga siya sa akin.

Angelic: Malapit na pala ang prom. Niyaya ka na niya?

Hazel: Hindi yun sumasayaw.

Angelic: So? Hindi naman dancing contest ang prom. Last na natin yan bago maggraduate.

May: Oo nga. Sigurado akong yayain ka niya.

Angelic: Ikaw na lang kaya ang magyaya sa kanya.

Hazel: Ayoko nga.

Habang nag aaral na kami, minsan sinisilip ko sa tabi ko si Kaye. Nakikinig siya sa lecture. Sinandal ko ang aking kamay sa desk at nakatitig lang sa kanya hanggang sa mahuli niya ako kaya bigla akong napatingin sa iba.

Sir Ben: Malapit na ang prom. So better ask your date.

Bakit nakatingin siya sa amin ni Kaye?

Sir Ben: And be sure to be ready with your discussion about your fears before the prom. See you on wednesday.

Nang tumayo na kami, lumapit muna si Kaye sa tito niya at may sinabi kaya nauna na akong lumabas. Maya maya ay nakasunod na siya sa akin.

Kaye: Saan ka pupunta?

Hazel: sa next class ko, bakit?

Baka yayain na niya ako.

Kaye: Sige, ingat. Magkita na lang tayo mamaya.

Nagmadali siyang umalis at iniwan akong nakatayong mag isa.

Hazel: Yun lang? Walang "Samahan mo na naman ako sa prom"?

Umalis akong naiinis sa kanya, hanggang sa matapos na ang lahat, hindi pa rin siya nagparamdam.

Naglalakad ako sa field ng bigla akong may narinig na sumisigaw.

"Hazel lou!"

Nang lumingon ako, si Kaye. Nasa rooftop at kumakaway. Maraming nakatingin sa kanya

Hazel: Naku! Tatalon ba yan?

Bulong ko sa sarili ko. Anong ginagawa niya dyan? Naglakad ako papalapit. Bago ako makapasok sa building, pinahinto niya ako.

Kaye: Hazel....

Nakita ko siyang may kinakausap pero hindi ko makita. Anong ginagawa niya? At may bumagsak na malaking tarpaulin na may nakasulat.

"Will you be my promdate?"

Napangiti agad ako. Akala ko hindi na siya magtatanong. May iba nagsisigawan, kinikilig tulad ko.

Nang lumingon ako sa kanya, wala na siya. Paano ako sasagot? Kaya nagmadali akong umakyat sa rooftop.

Nang nakatalikod ako, naghihintay pala siya doon.

Kaye: Hazel, pwede ka bang maging date ko sa prom?

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon