Pagkatapos naming magpahinga ay lumabas kami at naglakad lakad.
Hazel: Saan tayo pupunta?
Tinuro niya sa dulo.
Hazel: Gaano katagal bago natin marating ang dulo?
Kaye: Hazel, sa bawat ginagawa mo, hindi mo na kailangan problemahin kung gaano kalayo ang dulo. Kaya tuloy nawawala ang "fun". Di ba sabi natin, live in the moment.
Tumango na lang ako sa kanya at naglakad. Minsan, hinahawakan niya ako sa braso habang naglalakad. Hanggang sa makarating nga kami. Mga 40 minutes kaming naglakad.
Makikita mo ang mga bukid, puno na halos berde lahat ang kulay. Tumayo lang ako doon. Ang sarap amuyin ng sariwang hangin dito.
Naupo ako at nakatanaw lang sa napakagandang tanawin sa harapan ko. Nang lumingon ako sa kanya, nakatitig lang siya.
Kaye: Sabi nila, mas maganda raw ang sunset dito. Sayang. Hindi ko maipapakita sa yo.
Hazel: May ibang tao na gusto ang sunset dahil sa patapos na ang araw na yan, may iba din dahil magsisimula ang panibagong yugto ng buhay. Lahat tayo may iba't ibang paniniwala. Sabi mo nga, live in the moment. Kaya, hindi na importante kung nakita ko ang sunrise o sunset na kasama ka. Ang importante, nakaupo ako ngayon dito kasama mo. Ang oras ay hindi mahalaga. Sapat na ang nandito tayong dalawa.
Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.
Hazel: Kaye, pwede mo ba akong kantahan?
Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan. Siguro, kung napapagod lang ang puso, pagod na pagod na ito.
Hindi yung pagod na dahil nasasaktan ka. Pero, napagod, dahil kapag kasama mo siya,ang bilis ng tibok nito na parang tumatakbo ako.
"Your hand fits in mine like it's made just for me
but bear this in mind, it was meant to be
and I'm joining up the dots
with the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me.
~~~~
I won't let these little things
slip out of my mouth
but if I do, it's you
oh it's you, they add up to
I'm in love with you
and all these little things."
Hazel: Kaye?
Kaye: Hmmm?
Hazel: Wala yata akong freckles sa mukha.
Tumawa na lang siya nang malakas.
Kaye: Ok lang yan.
Tinaas niya ang kamay ko at hawak pa rin ito nang mahigpit.
Kaye: Your hand fits in mine like it's made just for me.
Pagkatapos ay hinalikan niya ang palad ko. Namumula na yata ako kasi nararamdaman ko muling umuusok ang mukha ko.
Tumayo siya at naglakad papalayo ng konti. Pagkatapos ay lumingon siya.
Kaye: Hazel.. Mahal kita.
Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ba kapag pinipilit kong sabihin niya, hindi niya sinasabi.
Sa panahong hindi ko inaakala, bigla niyang sasabihin. Anong isasagot ko?
BINABASA MO ANG
Heartbeat (Completed)
FanfictionIs my heart beating because it loves you or because it remembers you?