12. Hazel - A broken promise

571 33 1
                                    

Napahilig ako sa mga video games. Isa sa nakahiligan ko ay ang pokemon go. Kaya kahit nasa school na ako, ito pa rin ang nilalaro ko.

Hazel: Oh, naka huli ako!

Biglang tumabi si Kaye at tiningnan ang cellphone ko.

Kaye: Mabuti pa si pokemon, nahuli mo na. Ako na nga ang nagpapahuli sa yo, iniiwasan mo pa.

Hazel: Pati si pokemon may hugot ka rin ah. Ang aga aga pa naman.

Kaye: Kapag may hugot ka sa taong mahal mo, mas maganda ang simulan mo nang maaga.

Hazel: Mahal...

       Binigay ko sa kanya ang  cellphone ko.

Kaye: Anong gagawin ko dito?

Hazel: Baka sakaling mahanap mo ang forever mo kay pokemon.

Binalik niya ang cellphone ko at napakindat lang.

Kaye: Nahuli ko na nga siya eh. Hinihintay ko na lang na mahuli niya rin ako.

Inakbayan niya lang ko at tinuro ang classroom namin.

Kaye: Napakabad influence mo. Malalate na naman tayo nito. Kung ikaw ang teacher ko, siguradong bagsak ako.

Hazel: Grabe naman to.

Kaye: Mababagsak ako sa puso mo.

Tumawa lang ako, sabay hampas sa kanyang balikat.

Hazel: Pagnalate tayo, siguradong sabay tayong babagsak.

Kaye: Ay mas gusto ko yan.. Huwag mong bilisan. Sabayan mo lang ako. Para sabay tayong bumagsak.

Hazel: Isa pa, ibabagsak ko tong mga aklat ko sa paa mo.

Kaye: Love is nothing without pain, Hazel lou.

Hindi talaga ako mananalo kapag siya ang kausap ko. Lahat kasi sa kanya, laging may paraan. Ewan ko ba. Charm niya na siguro yun.

Mabuti na lang at wala pa ang guro namin kung hindi pagagalitan na naman kaming dalawa. Hindi ko kaklase sina Angelic at May sa subject na ito.

Sa araw na ito, ito lang naman ang magkasama kami ni Kaye. Sa susunod, hanggang matapos ko na ang lahat, ay hindi na kami magkasama.

Habang nag aaral na kami, si Kaye ay panay ang tingin sa akin. Maya maya, ay inabot na naman siyang sulat.

Kaye: Hintayin mo ako mamaya sa cafeteria. Sabayan mo akong kumain ng agahan. Ayokong kumakain ng mag isa.

Hazel: Ayoko...

bulong ko sa kanya.

May inabot siyang sulat uli. Babasahin ko na sana nang bigla itong kinuha ng teacher namin.

Teacher: Passing love notes?

Hindi ako nakasagot. Sa unang beses, namumula si Kaye.

"Mas masarap kumain kapag kasabay kita."

Teacher: How sweet. Kami Kaye, ayaw mong kasabay?

Napatawa na lang ang lahat. Si Kaye ay nakayuko na lang pero pinipigilan ang ngiti. Nakahawak lang ako sa pisnge ko.

Pero sa bawat ngiti, mas nakikita kong hindi lang ang puso ko ay may gusto sa kanya. Unti unti akong nahuhulog sa kung sino talaga siya.

Pagkatapos noon ay hinatid niya ako sa susunod kong class. Nasa loob na sina Angelic at May.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon