16.3 Hazel - Scaredy Cat

519 37 3
                                    

         Nakatayo kami sa dulo at nakatingin sa baba. Kaya ko bang tumalon?

    Tumabi si Kaye at inabot ang kanyang kamay.

Kaye:  Sabi ko noon, humawak ka lang. Para kung mahuhulog ka, sabay tayong babagsak. Ngayon, hindi ito para sa akin lang, or kay Marlo. Ito ay para lang sa yo. Kung tatalon ka, gawin mo ito dahil gusto mo, hindi dahil hawak mo ako.

    Hinawakan ko ang kanyang kamay. Lumingon ako kay Marlo at inabot ang kabilang kamay ko.

Kaye: Group jump.

Marlo:  Bibilang ako.

Tumango lang kami ni Kaye.

Kaye:  Huminga ka ng malalim bago ka bumagsak.

Marlo:  1.2.....3!

     At tumalon kaming tatlo. Tama nga siya. Sa pagtalon mo, wala ka ng maisip na iba kung hindi ang sariling takot mo. Lahat, makakalimutan mo.

   Wala. As in, wala akong naisip hanggang sa bumagsak na kami sa tubig. Ang pagkakaiba, nang minulat ko ang aking mga mata. Nauna siyang naramdaman ng puso ko bago ko pa nakita.

    Tumitibok ito ng malakas, hanggang sa makita ko ang sagot. Nang makaahon kami, doon ko mas naintindihan.

         Hindi magkaiba ang puso at isipan ko. Magkaiba sila kasi may sagot akong pinipilit sa isa, kaya laging hindi magkatugma.

       Ngayon, sa pagtalon ko, nalaman ko ang totoo. Matagal ko na palang hawak ang kamay ng napili ko.

Kaye:  Hazel, ok ka lang?

Hazel:  Oo.

Marlo:  Masaya di ba?

Hazel:  Pwede ko bang ulitin?

     Tumawa silang dalawa. Maya maya, umakyat kami uli para tumalon. Sa unang beses, sa buong buhay ko, sinubukan kong tumalon nang mag isa, ang tumalon para talaga sa sarili ko.

Hazel:  Bakit hindi ko ito ginawa noon?!

      Sigaw ko. Hindi pa ako magaling lumangoy pero kahit konti, nakakayanan ko na rin.

    Siguro, ang buhay ay para ring swimming. Kung magaling ang nagtuturo, hindi ibig sabihin, na gagaling ka rin katulad niya. Kailangan, gustuhin mo ito para sa sarili mo. Kapag ginusto mo, dyan ka matututo.

     Nang lumipas na ang gabi, naupo kami sa labas ng tent. Maginaw pala dito. Lumapit si Kaye at pinatong sa likod ko ang jacket niya.

Kaye:  Sabi ko sa yo magdala ka ng jacket mo.

Hazel:  Sorry.

    Naupo siya sa tabi ko. Si Marlo ay tumabi rin at may dalang gitara. Sinimulan niyang ikapa ito. Parang alam ko ang kanta.

Marlo:
"Oh her eyes, her eyes
make the stars look like they're not shinin'
Her hair, her hair
falls perfectly without her trying
she's so beautiful, and I tell her everyday.

~~
"When I see your face,
there's not a thing that I would change
cause you're amazing, just the way you are
and when you smile
the whole world stops and stares for a while
cause girl, just the way you are.

Kaye
"Her lips, her lips
I could kiss them all day if she'd let me
her laugh, her laugh
she hates but I think it's so sexy
she is so beautiful and I tell her everyday."

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon