Nang minulat ko ang mga mata ko, ay nakatayo sa tabi ko sina mommy at Daddy.
Nasaan ba ako? Nang tumingin ako sa kabila, nandoon ang mga kaibigan ko sina May at Angelic. Nandoon din ang mga pinsan ko.
Mommy: Hazel, kamusta ang pakiramdam mo? May naalala ka ba?
Bago ako makasagot ay dumating ang aking doctor. Ilang minuto niya rin akong nacheck at tinanong.
Doctor: Kamusta ang bagong puso mo?
Hazel: Po?
Nilagay ko ang aking kamay sa aking kalewang dibdib at pinakinggan ang tunog ng puso ko. Anong nagbago?
Doctor: By a miracle, nagkaroon tayo ng heart donor. Exactly at the right time. Pero kailangan pa ring imonitor ang pakiramdam mo. Bukas may mga gagawin tayong check ups para mas mapapabilis kayong makauwi.
Nakaupo lang ako at nakikinig. Heart transplant. Sino nga naman ang mag aakala? Minsan, nakakainis din ang buhay. Kapag gusto mo pang mabuhay pa, tsaka ka naman kailangang magpaalam na kahit hindi ka pa handa. Kapag ayaw mo nang mabuhay pa at handa ka nang magpaalam, ay bigla namang may bagong dahilan para manatili muna.
Hazel: Kanino po galing ang puso ko? Anong nangyari sa kanya?
Mommy: Hazel, masama pa rin sa iyo ang mastress. Magpagaling ka na lang muna. Kapag okay na ang lahat, kahit sasamahan pa kitang hanapin kung sino nga siya.
Lumipas ang ilang mga araw at nasa ospital pa rin kami. Akala ko kapag may heart transplant ka na, okay na, tapos na.. Hindi pa pala.
Kasi ang puso, katulad din ng tao. Kailangan din niyang makilala nang lubos ang taong binuhay niya. Kailangan niyang makita kung karapat dapat ba siya o iiwan din niya.
May: Kinamusta ka pala ni Marlo. Nakausap ko siya sa messenger niya kahapon.
Hazel: Anong sinabi mo? Sinabi mo bang nandito ako?
May: Hindi. Hanggang kailan mo ba itatago sa kanya?
Hazel: Hindi ko alam.
Angelic: Hindi mo na ba siya mahal kaya mo nagawa iyon?
Hazel: Kapag pinalaya mo ba siya, ang ibig sabihin ay hindi ko na siya mahal? Habang buhay ko na yata siyang mamahalin. Pero ayokong itali siya dahil lang madamot ako. Kilala niyo rin siya di ba? Ang dami niyang pwedeng maabot. Pero hindi yon mangyayari kung hinihila ko lang siya pababa. Mali ba ako?
May: Tama na. Masama pa rin sa iyo ang mastress sa mga ganito.
Hazel: Mali ba ako?
Angelic: Hazel, hindi. Para din naman sa ikabubuti niya.
At lumingon ako kay May. Ayaw niyang tumingin sa mga mata ko.
May: Mali ka. Dahil ang pangarap niya, ay ang makita kang masaya. Pero kung alam mong hindi ka nga masaya, o kahit konti lang na may kulang, baka pwede ka ring maging tama. Sa ngayon.
Tumabi lang siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.
May: Sa ngayon, magpagaling ka lang, okay?
Angelic: Tama. At kapag magaling ka na, ang dami nating gagawin.
Napangiti na lang ako. Si May ay mas malapit kay Marlo kasi mas nauna silang nagkakilala. Noong highschool na kami, pinakakilala siya ni Marlo sa akin. Naging magkaibigan na kami pagkatapos noon. Si Angelic naman, naging kaklase namin siya at doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Heartbeat (Completed)
FanfictionIs my heart beating because it loves you or because it remembers you?