9.3 Hazel - I dare you

590 37 4
                                    

Nang matapos ang kanta ay umupo kami at kumain. Siguro pinag usapan na namin ang lahat, maliban lang ang kanina.

Pero dahil gusto naming sulitin ito, mas pinipili kong samatalang ipikit ang mga mata ko.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Inabot ko ang aking kamay.

Kaye: Hazel.... Hindi ako sumasayaw.

Hazel: Huwag kang mag alala. Sabayan mo lang ako.

Naririnig ko na ang intro ng paborito kong kanta. Hinawakan niya ang ang aking kamay at sabay kaming naglakad.

Tumigil kami sa gitna,kinuha ko ang kanyang kaliwang kamay at pinatong sa baywang ko, ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.

Hazel: It's your turn to trust me.

Tumango lang siya.

"Take my hand, take a breath
pull me close and take one step
Keep your eyes locked on mine
and let the music be your guide.

~~~

Hazel: Kaye, dance with me.

Huminga lang nang malalim at sinunod ang galaw ko. Nakikita ko sa mukha niyang nahihiya siya ng sobra, namumula na nga siya.

"it's like catching lightning,
the chances of finding someone like you
it's one in a million, the chances of feeling
the way we do.

and with every step together
we just keep on getting better
so can I have this dance?
(Can I have this dance?)".

Pagkatapos ng kanta, kinuha niya ang kamay ko, hinalikan ito, sabay tingin sa mga mata ko. At narinig ko muling bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nang maupo kami ay umalis siya uli para may kunin. Pinatong ko ang aking kanang kamay sa puso ko, at napatingin ako kay Kaye.

Possible bang kilala mo siya? Tanong ko sa puso ko.

Kaye: Bakit?

Hazel: Wala.

Bigla kong kinuha ang hawak ng waiter na champagne at nilunok ko lahat.

Nagulat silang dalawa at kumuha pa ako ng isa. Sa pangatlo, ay hinawakan na ni Kaye ang kamay ko.

Kaye: Anong ginagawa mo? Uubusin mo lahat ng hawak niya? Ganon ba kalalim ang iniisip mo at maglalasing ka? At sa nakikita ko, hindi ka marunong uminom.

Nahihilo na nga yata ako. Kaya tumayo sana ako para pumunta sa restroom. Parang nasusuka na rin ako.

Pero nang tumayo ako, bigla akong nahilo at napahawak si Kaye sa braso ko.

Kaye: See?

Hazel: Wala yun. Kasalanan ng lupang tinatayuan ko. Gumalaw kasi siya.

Bigla kong kinuha ang isa pang baso at nilunok bago niya ako mapigilan.

Hazel: Ngayon, lasing na yata ako.

At napayakap ako sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang pisnge niya.

Hazel: Ikaw kasi. Naguguluhan tuloy ako.

Naglakad ako papunta sa beach. Sumuray suray sa paglalakad. Si Kaye naman ay tumatakbo papalapit.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon