4.3 Kaye - Chasing pavements

802 40 1
                                    

Nakaupo lang ako sa mga upuan sa ospital. Nakalibing na si trish ng dalawang linggo pero bakit nakaupo pa rin ako dito na parang may hinihintay. Nakasanayan ko nang maupo dito halos araw araw.

Babae: Excuse me. Pwede ba akong humiling ng isang favor sa iyo?

Napahinga lang ako nang malalim at tumango.

Babae: Ako pala si Karen. Ang anak kong babae ay nasa loob. Nagkaroon kasi siya ng heart transplant. Nasa trabaho pa kasi ng daddy niya at may kailangan sana akong kunin sa bahay namin. Pwede bang...

Kaye: Babantayan ko po siya.

May iba pa ba akong magagawa. Nakaupo lang naman ako dito. Uupo din ako sa pagbabantay.

Tita Karen: Maraming salamat,... Ah..

Kaye: Kaye.

Tita Karen: Maraming salamat Kaye.

Sinamahan niya akong pumasok sa kwarto ng anak niya sa Intensive care unit at pinaupo sa gilid ng kama nito.

Tita Karen: Siya pala si Hazel. Ang nag iisang anak namin. May butas kasi sa puso niya, akala namin wala ng pag asa pero may isang milagro sa araw na iyon. At binuhay siya ng pusong binigay sa kanya.

Nilapitan niya si Hazel at hinalikan sa noo.

Tita Karen: Lou, babalik lang ako. Si kaye muna ang babantay sa iyo.

Tumango na lang ako sa kanya, naka mask naman ako kaya mahirap ngumiti.

Tita: Kapag may emergency or kahit na ano, this is my number.

May binigay siyang calling card. Nandoon ang number nila pati address. At nagmadali siyang lumabas. Nakaupo lang ako at nakatingin sa babaeng nakahiga sa harapan ko.

Tumayo ako at nilapitan siya. Kahit saan ako nakatingin, naalala ko si Trish kaya mas nasasaktan ako. Pero, ngayon, sa harapan ni Hazel. Hindi ko siya kilala at wala akong alam sa kanya pero bakit ngayong katabi ko siya at kahit hindi siya nakakapagsalita, pakiramdam ko, nabubuhay ako.

Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan ito.

Kaye: Hazel, ako pala si Kaye. Siguro gusto mong malaman kung bakit nandito ako. May minahal akong babae pero wala na siya. Nasa langit na siya. Gustong gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal at miss na miss ko na siya. Na sana nandito pa rin siya. Baka makita mo siya, pakisabi na lang ng mensahe ko.

Naupo ako uli at hawak pa rin ang kamay niya. Si Hazel, habang nakatitig ako sa kanya, palagay ko, siya ang tipo ng tao na laging inaalagaan, na laging pinagbabawalan, na laging nakakulong sa sarili niyang mundo.

Siya ang tipo ng tao na gustong mabuhay pa sa mundo, at ako naman ang taong gusto nang sumuko.

Kaye: Siguro kapag magkasama tayo, nakakatuwa yung isipin. Kapag tulungan kaya kitang mabuhay sa mundo, mapapatawad ba ako ni Trish kung gusto kong isuko na ang buhay ko bilang kabayaran nito?

Bulong ko sa sarili ko.

"Tulog na mahal ko wag kang lumuha
malambot ang iyong kama
bukas na mamroblema
tulog na, hayaan na muna natin sila
mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
kaya matulog, tulog ka na."

Hindi ko namalayang nasa likuran ko pala ang mommy niya.

Tita Karen: Napakaganda ng boses mo Kaye.

Bigla kong binitiwan ang kamay ni Hazel. Sana hindi niya narinig ang mga sinabi ko. Tumayo ako agad at lumapit siya.

Tita Karen: Maraming salamat Kaye.

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon