14. Hazel - The untold trip

538 33 1
                                    

Nang sumunod na araw, ay aalis na kami. Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa cellphone ko, hindi siya natext or nakatawag. Baka natutulog pa.

Marlo: Nakatulog ka ba kagabi? Nanganganak ang mga eyebags mo.

Hazel: Mabuti nga para mas dumami sila. Ikaw din naman. Kamusta ang taping niyo? Nakapanuod ako ng isang araw. May kaloveteam ka ba?

Bigla siyang nagulat sa tanong ko. Wala naman kasi siyang nabanggit sa akin.

Marlo: Huh? Wala yun. Sa serye na yun lang.

Hazel: Pasensya kasi hindi ko mapanuod lagi dahil nasa school ako. Pero pinapanuod ko sa iwanttv kapag weekends. Minsan, narecord na ni mommy kaya sa gabi, napapanuod ko rin. Number one fan mo yun di ba?

Marlo: Mabuti pa siya.

Hazel: Fan mo rin naman ako.

Marlo: Gusto kitang isama sa set next time para makilala mo rin sila doon.

Hazel: Kapag sikat na sikat ka na, huwag mo kaming kalimutan.

Marlo: Paano mo ba makakalimutan ang taong minsang naging kalahati ng puso mo?

Ngumiti na lang ako. Kalahati. Sino ba ang nasa kalahati ng puso ko? Kasi 100% namang pag aari ng iba ang pusong tumitibok dito.

Nang makarating na kami, lalabas na sana siya para buksan ang pintuan niya ng biglang nagring ang cellphone, pero pinatay ko muna.

Kung si Kaye nga yun, mas mabuting huwag muna ngayon. Hindi na lang kumibo si Marlo at lumabas.

Patrick: Hazel!!

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit at pinaikot.

Patrick: Mas lalo kang gumanda. Ang tagal mo na ring hindi nakadalaw. Sige pasok kayo.

Hazel: Happy Birthday Pat.

Binigay ni Marlo ang gifts namin para sa kanya.

Patrick: Uuy. Salamat. Bagay pa rin talaga kayo. Sige, pasok na.

Kumain kami at nagkwentuhan. Hanggang sa umulan na ng malakas at namatay ang kuryente. Brownout. Kaya naupo na lang kami sa sala at nagkwentuhan.

Tumawag na lang ako kay mommy habang nag uusap pa sila. Naupo lang ako sa labas habang umuulan.

Mommy: Kamusta kayo dyan? Malakas ang ulan.

Hazel: Oo nga po. Wala pang kuryente. Konti na lang uli ang battery ng phone ko.

Mommy: Nandito kanina si Kaye. Basang basa nga yun ng ulan. Nag alala raw siya kasi sa yo hindi ka niya macontact. Hindi ka nagsabi?

Hazel: Baka kasi magalit siya.

Mommy: She seemed worried more than upset. Tawagan mo siya. Maiintindihan niya yun. Kaya nga may misunderstanding kasi walang communication.

Hazel: Okay po. Tatawagan ko siya.

Nang tinawagan ko si Kaye, nakailang ring na pero walang sumasagot. Biglang kumulog nang malakas, kaya pinatay ko na muna at pumasok uli.

Si Marlo ay nakaupo at may hawak na gitara. Tanging kandila lang ang ilaw na meron sa pagitan namin.

"Well I won't give up on us
even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up

Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon