Nakahiga ako sa kama at nakamulat pa rin ang mga mata ko. 5am na!
Matapos niya akong hawakan sa kamay, kantahan at titigan, makakatulog pa ba ako? Ano nga bang meron sa kanya at ayaw kong lumayo?
Napaupo na lang ako at pumunta ng banyo para maligo. 6am pa lang bumaba na ako para mag almusal.
Mommy: Hazel? Alam mo bang mukha kang walang tulog? Tingnan mo yang eyebags mo. Ano bang ginawa mo buong magdamag?
Maaga naman niya akong hinatid, mga 11pm ng gabi. Hiniling ko na nga na sana masiraan ang kotse niya para lang mas makasama ko siya pero nakauwi pa rin kami ng maaga.
Siguro, ako lang iyong babaeng, hihiling na sana, naglakad na lang kami. Na kahit man abutin kami ng magdamag sa daan, mas gugustuhin ko kasi katabi ko siya.
Hazel: May pinag aralan lang po ako kaya inumaga na ako ng tulog.
Mommy: Inumaga ka ng tulog o inumaga na at wala ka pa ring tulog?
Hazel: Okay lang po ako.
Nagmadali akong nagtoothbrush at umalis. Sa sobrang pagmamadali ko, 10am pa pala ang class ko at nang makarating ako sa school ay 7:10 am pa lang.
Napahinga na lang ako ng malalim at naupo sa isang bench na nakaharap sa field. Nakasandal lang ang ulo ko hanggang sa napapikit na ang mga mata ko, naggising na lang ako ng may tumabi sa akin.
Kaye: Maaga kang pumasok para matulog dito?
Hazel: Hindi. Hindi ko kasi namalayan na maaga pa.
Halos hindi ko na kayang buksan ang mga mata ko. Pakiramdam ko, lumulutang na ako.
Hazel: Anong oras na?
Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ko at sinandal sa kanyang balikat. Nanaginip ba ako? Sa sobrang pagod ko,hindi ko na alam kung panaginip yun o totoo na nga.
Maya maya ay may gumigising na sa akin. Nakahawak siya sa mga pisnge ko.
Hazel: ayoko pang gumising.
Bulong ko. Pero may tumatawa sa tabi ko. Guni guni ko lang siguro.
Kaye: Kapag hindi ka gumising, hahalikan kita.
Nananaginip nga ako. Kung gising ako, hinding hindi sasabihin ni Kaye sa akin yan. Pero nabigla ako nang may humalik nga sa pisnge ko at napamulat ako bigla.
Kaye: Good morning. Bilis. Late na tayo.
Tumayo siya bigla at naglakad. Anong nangyari? Hawak ko ang kanang pisnge ko.
Hazel: Hinalikan ba niya ako? O panaginip ko yun?
Kaye: Hazel lou!
Sigaw niya at napatayo ako. Panaginip ko iyon. Kung tatanungin ko siya, mas nakakahiya naman. Kaya tumahimik na lang ako hanggang sa makaabot nga kami sa classroom.
Sir Ben: At dalawa na kayong late.
Napayuko na lang ako at nagmadaling umupo.
Sir Ben: Para sa mga late, uulitin ko. Ang inyong essay at short discussion ay tungkol sa mga kinatatakutan niyo. May kasabihan nga na, to conquer your fears, you have to face them. Kaya, yan ang gagawin natin. You will be paired with someone. What you have to do, is help each other conquer their fears. After a few months, you will have a brief discussion about your fears and if you actually conquered them. Maximum of 10. Kaya isipin niyo kung ano ang mga kinatatakutan niyo. Whether it's an insect, people, life, heights, even if it's love. I'll be choosing your partner and since may special loveteam tayong nalate, Hazel and Kaye, you will be the first pair...next...
BINABASA MO ANG
Heartbeat (Completed)
FanfictionIs my heart beating because it loves you or because it remembers you?