Pagkatapos noon, ay hinatid na niya ako sa amin. Bago ako nakapasok ay hinawakan niya ang kamay ko.
Marlo: Mahal pa rin kita. Kahit minsan, hindi nawala yun. Kahit gustuhin o pilitin ko man, hindi ko kaya.
Hazel: Marlo..
Marlo: Subukan lang natin uli, hanggang sa wala na talaga. Pwede ba yun?
Nagring ang cellphone ko. Nang tiningnan ko, si Kaye. Binaba ko lang muna.
Marlo: Siya yan di ba? Bakit siya? Hazel, kayo na ba? Baka hindi mo lang sinasabi ang totoo para hindi ako masaktan.
Hazel: Hindi nga kami.
Marlo: So, bakit hindi na pwede maging tayo kung wala naman palang "kayo"?
Hazel: Dahil hindi ako sigurado.
Marlo: Kung sino nga sa aming dalawa. Ano ba ang sinasabi ng puso mo?
Hazel: Marlo, hindi mo ba naiintindihan? Hindi ko pa maiintindihan ng tuluyan ang puso ko. Paano kung may minahal itong iba noon? Mararamdaman ko rin ba yun? Sabi ni doc hindi. Pero bakit...kailangan ko munang maintindihan.
Napahinga na lang siya nang malalim at kinamot ang kanyang noo.
Marlo: Sige. Hindi na kita kukulitin. Pero hindi ibig sabihin na hindi na ako lalaban. Goodnight Hazel.
Tumalikod siya at naglakad papalayo. Nang tiningnan ko ang cellphone ko, may 5 missed calls na. Tatawagan ko siya sana pero gusto ko siyang makita kaya lumabas uli ako. Sigurado akong nasa resto siya kaya doon ako pumunta.
Bago ako nakapasok, naririnig ko ang music pero wala pang kumakanta. Nang pumasok na ako, nakatayo siya sa stage at may kinakausap.
Tumigil siya bigla nang makita niya ako. Sa harapan ng marami, bigla siyang napangiti.
Hindi obvious na masaya siya. May tinuro siyang upuan sa akin kaya nilapitan ko yun at naupo ako. Nakatingin na naman silang lahat sa akin.
"Said all I want from you is to see you tomorrow
and every tomorrow, maybe you'll let
me borrow your heart
and is it too much to ask for every Sunday
and while we're at it, throw in every
other day to start.
~~~~~
so don't act like it' s a bad thing to fall
in love with me. ~"
Mali bang mahalin ko siya? Mali bang lumayo ako sa kanya? Mali bang wala ako tiwala sa puso ko? Bakit sa bawat tibok nito, takot akong mali ang pagkakaintindi ko.
Tapos na pala ang kanta. Bumaba siya agad at lumapit sa akin nang nakangiti.
Kaye: Wow. Personal visit. Namiss mo ako, aminin mo?
Napangiti lang ako. Habang nagsasalita siya, nakatitig lang ako at hindi na nakikinig.
Bakit sa tuwing iniisip kong layuan muna siya, bumabalik pa rin ako. Naalala ko uli ang paborito kong kanta sa kanya.
"Something always brings me back to you
it never takes too long"Narinig ko na lang ang tunog ng daliri niya na nasa harapan ko na pala.
Kaye: Huwag mong sabihin na pumunta ka rito para isipin yung,,.. Yung isa.
Hazel: Isa?
BINABASA MO ANG
Heartbeat (Completed)
FanfictionIs my heart beating because it loves you or because it remembers you?