19th Chapter

17 2 0
                                        


______

Zep: Wow! Author thank you talaga at ako ang napili mo...

Ms.R: Oo, nauto mo ako eh!! Yung bayad mo wag mo kalimutan. Pfft!

Zep: (O__O)

_______


-Zep POV-




Hello guys, sa wakas nag ka POV na rin ako. Ilang bese ko na rin niligawan si author para mag ka POV na ako. Haha. Wala lang gusto ko lang umepal mag ka POV. 




Ako nga pala si Zephyr Tomlinson. You can call me Zep kung nahahabaan kayo sa Zephyr.




 Andito pala kami sa bahay ni Jay ngayon. First time kong nakapunta sa bahay ng ugok nato. Kuripot sa info kasi eh!Ang ganda pala ng bahay ng damuhong Jay na yun. 




Tssk! 




Bakit kaya sa simi-private school siya nag aral? Hinayupak na yun ah. Ang ganda talaga grabe. Kamuntikan na akong maligaw. Wala kasing ganito kalaking bahay sa subdivision namin. Pang may-kaya lang naman kasi yun. Asan na ba ang daan papasok? Tsk. Maganda nga nakakalito naman. Hay naku! Ahh! Ayun pala. 




Pumasok ako sa isang pintu-an. Actually hindi ko alam kung anong pintuan ang napasukan ko..hehe.. Tapos biglang may naririnig akong naghihiwa. Hala ka! Ano yun? Pusang gala, haunted house ba to? Di naman mukhang luma ang bahay nila. Modern na modern nga eh. Naririnig ko pad din yung tunog nang naghihiwa. Nay! Haunted house nga talaga to. Well oh well. Di naman ako na tatakot sa multo. Matignan nga kung multo ba talaga. 




I trace the sound at nakita ko ang isang... 




DIWATA? 




Oo, baka ito yung sekreto nila kaya mayaman sila. Naghihiwa siya nga mansanas. Ang ganda nya kahit na nakatalikod. Paano ko nalaman? Ang sexy ng likod eh. Kahit nakatalikod siya at naka long dress? Hindi nmn yan long dress eh, parang mahabang long sleeve shirt ng hangang tuhod. Oo parang ganyan nga ang hitsura ng damit nya tapos kulay pink, na may nakalagay na "HUG ME TIGHT" sa likod tapos my brown na bear na nakahug ng puso. 




Putya bakit kailangan ko pa e-describe ang suot niya. Katulong kaya siya dito? Parang malabo naman. Sa kinis na yang mukhang katulong yan? Patawa ka Zep. Tss!. Oo nga parang di nga siya katulong. Sino siya? 

Watashi No AniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon