Chapter 1

187 10 2
                                    

Dylan's POV

Before ko simulan yung kwento ko, gusto ko muna magpakilala ng maayos syempre. My name is Dylan Chandler Vaughne. I'm 12 years old. I have 2 siblings isang babae at isang lalake at ako yung panganay. Hindi kami mayaman. May kaya lang. Daddy ko business man tapos mommy ko naman branch manager sa isang kumpanya.

Nandito kami ngayon sa gym kasama ko mommy ko. Graduation kasi at dahil V ang apilyido ko nakakabadtrio kasi nasa hulian ako samantalang yung mga tropa ko ayun nasa unahan ang mga gago. Katabi ko tuloy tong abnormal kong tropa si Benjie. Tangalan kasi apilyido niya. Sagwa diba? Hahaha. Maya maya nag tanong siya.

"Utol, saan mo balak mag aral?"

"Ewan ko pa. Ikaw ba?" Sagot ko.

"Baka dito nalang din ulit."

Hindi na ako sumagot. Di ko naman kasi talaga alam kung saan ako mag aaral e. Wala pa sa plano ko yan. Aba gra-graduate palang ako oh.

So ayun, ang broring ng graduation talaga. Haay. Ang dami pang alam e. After ng ilang oras sa wakas natapos din. At dahil di naman ako bobo, grumaduate namab ako ng 3rd honorable. Syempre yung mga magulang ko proud na proud sakin. After nun nag aya yung kaklase ko na kumain daw kami sa bahay nila edi syempre sumama kami. Nakikain. Haha. Hindi pa kasi kami mag cecelebrate agad dahil nga busy pa daw sila.

After four days, ayun nag celebrate na din kami and syempre nandito rin mga kaibigan ko. Tinde nga ni Benjie e. Porke grumaduate naging girlfriend na niya valedictorian namen. Si Althea. Bagay din naman sila pareho silang matangkad tsaka pogi din naman kasi si Benjie mukhang koreano si Althea naman may lahing espanyol kaya maganda hawig ni Marian Rivera.

Napaisip tuloy ako, ako kaya kelan mag gigirlfriend? Hanggang crush lang kasi ako e. Wala pa akong nagiging girlfriend.

Bakasyon na ngayon at ang pinoproblema ko ay kung saan ako mag aaral.
Mag fi-first year high school na ako at ang nakakaloko pag aaralin ako ng magulang ko sa malayo samen. Halla uy. Alam ko namang matalino ako at gusto niya akong ipasok sa school ng mga matatalino pero hindi ko ata kayang mag isa. Ni mag laba nga hindi ko alam, mag urong ang tamad ko, mag luto tamad din ako, mag plantsa, tamad din ako. O diba? Paano ko kakayanin ang lumayo kung isa akong dakilang TAMAD?

Kaya napag isip isip ko nalang na mag enroll mag isa sa malapit lang samin. Sa Pink University. O diba? Ang corny? Hahaha. Aba malay ko ba sa nagpauso ng pangalan ng school na yan. So ayun na nga, dahil sa ayoko talagang lumayo pumunta ako sa school na yon at tinanong lahat ng kailangang requirements at agad kong ginawa tapos kinabukasan nag exam na ako.

Habang naghihintay ako mag bukas yung office kung saan ako mag e-exam napag isip isip ko na mag libot libot nalang muna since ngayon ko lang din napasok 'tong school na 'to dahil isa to sa mga finest na university dito sa lugar namin. Habang naglilibot ako i can say na maganda din naman pala tong school na to. Maluwang. May soccer field pa.
Sa school kasi na pinag graduatan ko maluwang din naman. Yun nga lang hindi siya university. It's just a semi-private school.

After 30 min. of walking I decided na bumalik nalang sa Guidance office since dun ako mag eentrance exam. Sakto pag balik ko dun start na. Dahil sobra ko atang aga mag enroll 3 lan kaming mag e-exam. Pano naman kasi ayoko talagang mag aral sa malayo. And then ayun habang nag eexam medyo madali lang naman siya ang kaso sinumpong nanaman ako ng pagkatamad ko. Sagot nalang ako ng sagot kahit di ako nagbabasa wala naman akong pake kung anong section ako mapunta tsaka di ko nga alam kung may mga school mate ba ako dati na dito rin mag aaral e. Kaya ayun after an hour natapos ko agad yung entrance exam samantalang yung mga kasabay ko hindi pa tapos.

Since wala naman na akong pupuntahan uuwi nalang ako. At dahil wala din akong gagawin matutulog naling din muna ako.

Note: Kung mapapansin niyo po 12 years old yung edad diyan. Yup totoo po yun. Hahaha malandi na ako nung panahon na yon. Lol jk. Ulitin ko po base po ito sa TRUE STORY. :)

P.S. Wag muna kayo mabored o ano umpisa palang talaga kaya ganyan na. Haha. Sorry sorry.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon